Nais ko lamang po humingi ng payo kung paano ang gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon. Meron kasi ako isang kaibigan na nangutang AT nanloko patungkol sa isang "negosyo" daw. Noong una, nangutang lamang sya para magamit sa pag apply ng trabaho at pagkatapos, pang medical (ng matanggap na sya). Naiintidihan ko naman ang kalagayan nya kya hindi naman ako ngdalawang isip na pautangin sya. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, medyo nagulat lang ako at nanghihiram ulit sa kadahilanang mayroon daw isang kumpanya na mas mataas ang bigay na sahod kya ninais nya mag apply doon. Pinahiram ko ulit sya. Subalit makalipas nanaman ang ilang araw, nag offer sya sa akin na mag negosyo daw muna sya habang ng aabang ng resulta ng pag apply nya sa trabaho. Nagkakahalaga ng 20k ang negosyo na ito at madali lang naman daw makuha ang pera(Egg business).
Medyo nagdadalawang isip na din talaga ako nung mga panahon na yun. Pero dahil kaibigan, pinahiram ko ulit sya dahil ang sa isip ko, madali din naman maibabalik sa akin.
Dito na nagkaroon ng problema at pagsisisi sa aking sarili. Bukod sa pag apply nya sa trabaho na walang resulta, ang Egg Business na sinabi nya noon na after 1 week, makuha na agad dahil marami daw ng order sa kanya, ay WALA ng ngyari. Kapag nagtatanong ako sa kanya, halos wala ng maibalita at iniiba na nag usapan. Doon na ako nagalit sa kanya.
Eto po mga katanungan ko:
1. Pwede ko sya kasuhan ng civil case, small claims po ba yun di ba?
2. Pwede ko ba sya kasuhan ng ESTAFA dahil sa non-existent business (egg business) na sinabi nya? Meron po ako mga conversations sa FB at text messages na magpapatunay. Naitabi ko din ang mga resibo ng "remittance receipt" dahil sa pamamaraan nun ang pagpadala ko ng pera sa kanya. Umabot ng ngkakahalagang P30,000+ ang pera na nahiram nya sa akin kasama ang 20k sa egg business.