May issue po kasi sa aking employment ngayon. Meron po kami bond na 2 years and hindi pa po ako regular employee, meron po nakalagay sa contract na " You will agree to continue in the employ of (company) for minimum period of 2 years from the date of hiring. In the event that you voluntarily terminate your employment prior to completion of the three year period or be terminated for due cause, you agree to reimburse (company) for the cost of TRAINING in the amount of PESOS: ONE HUNDRED THOUSAND (Php100000) in cash upon separation"
Ako po ay hindi pa po regular employee ngayon dahil 2 months pa lang po ako at wala pang formal training mula sa company, kahit ang pag request ko ng certification exam sponsorship sa kanila ay hindi pwede.
Ang question ko po ay, pwede po ba ako mag resign ng hindi nagbabayad ng bond? O kailangan ko pa po bayaran yung bond kahit wala naman na conduct na training sa akin?
Maraming salamat po