May inquiry lang po ako. Yung lupa po naming ay tabi ng creek na sa ngayon ay dinadaanan ng mga squatter papunta sa main road pero may way naman po sila sa kabilang area. Gusto po naming ipasara dahil dun po dumadaan yung mga magnanakaw papasok and papalabas ng compound namin. kaso hindi po pumapayag yung association ng mga inform settlers kasi yung 3 meter easement daw po ay public or government property dahil sa tabi nga raw po sya ng creek. may binabanggit pa po sila na MMDA resolution na nagbabawal daw po na isara yun kasi tabihan po ng creek.
tanong ko lang po, may way po ba para masarahan yun? perimeter fence din po kasi namin yun and nagkakanakawan na po sa lugar namin. Ayaw din po namin basta basta ipasara kasi binabantaan kami pag bigla raw naming pinasara. Anong legal remedy kaya po pwede naming gawin?
Salamat po sa pagtulong.