Good day po, ako po ay nangutang May 2013 ng halagang 10k with 20% interest sa isang lender na siya po ay hindi mismo yung nagbibigay pautang kundi assistant po siya nung nagpapautang. Hindi ko po nabayaran agad yung 10k na yun pero monthly po akong nagbibigay ng interest at kung minsan po ay may penalty pa yung interest ko pag late naibigay ang tubo. Continues po ang pagbibigay ko ng tubo kahit nakaalis na ako ng bansa, hanggang April 25 2014 ay nagabot po ako ng 9thousand plus at dun po ay nahinto na ako sa pag aabot dahil po wala akong trabaho at nung October 2014 nakapag abot ulit po ng 2000, nang mahinto na po ako sa pag bibigay dahil wala po akong work eh nagsimula na po mangharas sa bahay ng mama ko yung inutangan ko na ipababaranggay kami at pagbabayarin ng abogado. until 2015 eh nakapag abot po ako pero isang beses nalang sa halagang 3000piso di na po yun nasundan. Hiningian ko na po ng computation ng mga hinulog ko yung assistant ng nagpautang puro oo lang, hanghang sa nagbakasyon po ako sa pinas nitong summer sumugod po siya sa bahay hinihingian ako ng saradong 20k para ok na daw po lahat kasi daw dapat nga bigyan ko siya ng 30k, eh wala naman po akong malaking pera na ganun kaya sabi ko sige po magbibigay ako sa ganitong petsa pero pahingi po ng pirmahan at computation ng lahat ng utang ko (na base po sa sarili kong computation sa 10k principal na utang ko ay naka 35000 na akong bigay interest lang po yun at penalty) nangako lang po siya non na oo bibigyan ako ng kopya. Hanggang dumating yung petsa ng usapan namin binigay ko pp yung 10,000 pesos na utang ko sa kanya dahil yun nalang po talaga ang kaya ko, kinuha niya po ng walang kapalit na kasulatan pero sa harap po ng buong pamilya ko madalian niya kinuha ang pera kahit 10k lang at umalis na,.
Tanong ko po sa uulitin po ba na maningil yun eh may karapatan po ba na ako naman maghabla kung maningil ngikil siya ng pera sa amin? Ano po ang nararapat na gawin?