Ang lupang ito ay nkapangalan pa sa great grandmother ko ngunit nahahati na ito verbally sa mga anak nya isa na dun ang lola ko (mother ng nanay ko). Walang documento na tinatawag nila 'deed of partition'?..Yong parte ng lola ko ay hinati na rin sa mga magkakapatid(verbal lang din ang hatian).
Katanungan:
1. May karapatan ba ang tiyuhin ko na magbenta ng lupa kahit wala pa declaration ang parte ng lola ko?
2. Ibenenta nya ito sa iba kahit alam nya na may isang kapatid sya na interesadong bumili nito. Pwede ba yon? May batas ba ukol dito?
3. Kailangan ba ng geodetic engr. kung tayo ay magbebenta ng lupa?
4. Ang location ng lupa ay nasa tabi ng sapa bale yong sapa ang boundary. Kasama ba sa sukatan yong daluyan ng tubig, yan kasi ang ginawa ng taong nagsukat ng lupa, hindi sya geodetic.
5. Kung mali yong pinanggagawa nila, Anong dapat naming gawin upang ito ay maging maayos.
Sana ay matulungan nyo kami. Salamat in advance.