Good day po. Sir hihingi po sana ako ng advice. Nagalaw ko po ang pera ng company kung saan ako nagtatrabaho bilang cashier. Napahiram ko po ito sa ibang tao without any written agreement. Yung iba po na nakahiram hindi ko na makita. Lumaki ng lumaki po eto dahil sa pag utang ko ng my interes tapos pagdating ng bayaran kinukuha ko ulit ito sa kaha. Dahil hindi ko na makaya nagsabi po ako sa supervisor ko. Inako ko po lahat ng kasalanan. Pinaforce resign po ako at pinapirma ng promissory note. Nakasaad doon sa promi na dapat ko bayaran sa loob ng six months ang amount na kinuha ko (385,000.00 at the time of signing promi). Problema sir hindi po ako nakapagbayad ng any amount po sa loob ng six months dahil talagang wala po ako makunan at nahirapan ako makapaghanap ng trabaho. Day before ng duedate ng promi ko, nakaipon po ako ng 15,000 pesos pero ayaw na po tanggapin ng company dahil gusto nila whole amount na ang ibayad ko. sa pinirmahan kung promi nakalagay dun na non-payment po within six months, kakasuhan ako ng criminal case na ESTAFA and/or QUALIFIED THEFT. Sir I need your advice ng dapat kung gawin. Makukulong po ba ako? One month na po after ng duedate ko. Dapat kasi mag apply ako abroad para makaipon at mabayaran eto kaso baka mahold ako at arestuhin nalang. Salamat po.