12:58PM
Pwede po magtanong? Nagresign po ako sa current employer ko (local payroll outsourcing) then may lilipatan na po ako (payroll outsourcing din pero regional yung mga accounts nila). Then ang sabi ng current employer ko na di ako pwedeng lumipat dun sa kabila kasi direct competitor daw po yun ng current employer ko. Nasa contract po kasi na pinirmahan ko nun nung nahire ako na bawal lumipat sa competitor. Pano po yun kung payroll ang expertise ko, saan naman po ako makakahanap ng work kundi sa ganung industry lang din. Ang sabi po ng current employer ko kakasuhan nila ako. Hingin ko lang po sana yung advice nyo. Salamat po