Magandang araw po.
Ako po ngayon ay nasa ibang bansa. Ipinadala/Ipinahiram po ako dito ng aming kumpanya para magtrabaho ng tatlong taon. Makalipas ang halos isang taon, ako po ay na-demote. Sa akin pong pagsusuri ay illegal ang ginawa nila dahil bigla na lang akong nakatanggap ng announcement na nagsasabi ng aking demotion pero walang nilalamang rason at hindi rin ako hinihingan ng paliwanag.
Dahil dito ay gustong gusto ko pong mag-resign na at mag-file ng kaso laban sa kumpanya ko. Kaso po may 2 taon pa na nalalabi sa kontrata ko dito sa ibang bansa.
Maari po ba akong magbitiw sa aking trabaho na walang pananagutan sa kumpanya o kailangan kong magtiis at tapusin ang 2 taon bago ako magbitiw at magsampa ng kaso?
Kung palilipasin ko ang 2 taon, may habol pa rin po ba ako na magsampa ng kaso?
Maraming salamat po.