Dalawa po kami nagresign ng katrabaho ko bale OJT po kame tapos natuwa si boss samin tapos inalok kami magtrabaho sa company nya, tinanggap namin yung offer kasi nangangailangan din kame and we signed a contract sila lng ang may copy pero ang tanda ko "Probationary" kame dun sa contract. Tapos todo kaltas sa late pero wala namang bayad ang OT araw araw kami OT dun dahil sa sankaterbang trabaho.
Nung tumagal na naglalabasan na yung ugali ng Office Admin namin pati na ang boss. Andyan yung nagsisinungaling sila para di mapagalitan, tapos ang bilis magpataw ng penalty sa accident ng wala manlang investigation ayun yung mga bagay na idinahilan namin sa resignation kaya umalis kami.
Pero ang ginawa kasi namin hinantay lng namin yung sahod namin tapos umalis na sa opisina at nagiwan na ng resig letter. Tapos kaninang madaling araw nagtext yung boss ko sakin gagawa daw sila ng legal action for what we did daw kasi daw po corporate sabotage daw po ang nangyari and bibigyan nya po hanggang ngayong araw para magcomply then gagamitin yung letter as evidence po laban samen.
Di po ba pag pangit ang naging experience pwede maging effective immediately ang resignation?
Thank you po sa tutulong sakin i need help po tlga ASAP