Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

I need Legal Advise

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1I need Legal Advise Empty I need Legal Advise Sun May 22, 2016 1:09 pm

hbert001


Arresto Menor

Good Afternoon, morethan 1month na nung iniwan ako ng asawa ko at dala nya ang anak naming babae na 4yrs old syempre kasi sya ang ina. Halos bihira lang namin makausap sa cp ang bata minsan nirereject nya ang tawag nmin o di kaya hindi sinasagot. Bilang ama gusto ko rin po makita at makausap ang bata ano po pwede kong gawin. pag nagtext ako panay masasamang karanasan lang daw napala nya sa akin lahat lahat na ng masama yun lang ang naalala nya hindi nya naaappreciate ang mga ginawa kong kabutihan. Hanggan sa marami narin siyang sinasabi sa family ko. Dito kasi kami tumira sa bahay mismo ng parents ko kasama din pati mga kapatid ko. Morethan 4yrs na kming kasal sa civil at morethan 1yr 5months narin kming kasal sa church. Nawalan kasi ako ng work sa manila at nandito ako sa probinsya at sya umuwi ng manila. Sinuportahan ko at ng pamilya ko ang pangangailangan nya at ng anak namin, bali nakapasa narin sya sa LET exam at ngaung june magsstart na daw sya sa private school sa manila. Lahat ng Requirements at pagkuha nya ng board exam sinuportahan ko sya at sa ibang bagay tulad ng pagkain namin at tirahan sa pamilya ko naman. Bali ang asawa ko ang magkakatrabaho ngayon at ako ay wala pa.

1. Tanong lang po pwede ko ba patanggalan ng license ang asawa ko dahil sa ako naman ang sumuporta sa kanya sa pag take ng board exam. At pati mga certification tulad ng sa computer at TM (Trainers Methodology) ako at kapatid ko ang gumawa ng way para magkaroon sya nun under TESDA.

2. Ano ang kailangan kong gawin kasi gusto ko rin naman makasama ang anak ko pero 4yrs old palang sya. Pag nasa legal age ang bata kailangan nya ba talaga pumili kung kanino sya sasama (parang agrabyado na yta ako).

3. Kasal kami sa civil at church, possible ba sa amin ang annulment? magkano naman po at gaano ka tagal?

Salamat po

2I need Legal Advise Empty Re: I need Legal Advise Tue May 24, 2016 10:58 pm

hbert001


Arresto Menor

up lang po.. need advise. ty

3I need Legal Advise Empty Re: I need Legal Advise Fri Jun 03, 2016 12:31 am

marlo


Reclusion Perpetua


1. Sa anong basehan?
2. Dalawin ang bata sa ina niya.
3. Possible basta may valid ground. Magastos. Matagal. Mabusisi. Walang kasigaruduhan.

4I need Legal Advise Empty Re: I need Legal Advise Wed Jun 08, 2016 12:31 am

hbert001


Arresto Menor

marlo wrote:
1. Sa anong basehan?
2. Dalawin ang bata sa ina niya.
3. Possible basta may valid ground. Magastos. Matagal. Mabusisi. Walang kasigaruduhan.


1. Hindi ako sigurado dito kaya tinanong ko lang, sige wag na'to.
2. Gusto ko makita ang bata para mamasyal lang pero ayoko na pumunta sa kanila. Gusto ko na ihatid lang nila ang bata sa mall, pwede ba yun? May nakita akong post dito na pag naghiwalay at hindi annul, dapat ang parenting dapat syempre nanay at tatay parin at hindi lang nanay. Halos ayaw na nga ipakausap sa akin at sa pamilya ko ang bata kahit sa cp lang. ang custody ba naaapply lang sa annul na? sa case namin dapat pwede salit-salitan diba?
3. magkano po, 300k? kahit matagal at mabusisi darating parin ang time na matatapos ang paghihintay namin ma-annul lang kmi.ty

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum