Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please help. Can Incorporators be held liable for tax evasion?

Go down  Message [Page 1 of 1]

greenthumb18


Arresto Menor

Nagtayo ng company yung kaibigan ko nung 2013. Ang sabi niya incorporation daw yung company. May utang na loob ako sa kanya dati tapos sabi niya ilalagay lang yung name ko dun. Huwag daw mag-alala kasi kailangan lang talaga niya ng limang pangalan. Pumirma ako dati dun sa mga sinend niya na isusubmit sa SEC like Articles of Incorporation tsaka By Laws. Ngayon nalaman ko na hindi pala siya nagbayad ng tax mula nung nag-operate siya. Tapos ngayon, wala siyang pambayad dahil wala na yung mga kinita niya tapos naipon pa yung taxes na kailangan niyang bayaran.

Ito po ba ay form of tax evasion? Kung mangyari po na magdemand ang BIR na magbayad siya, madadamay po ba ako na pumirma bilang isang incorporator nung company? wala po akong natanggap na pera mula sa kanya o sahod.

Ang nakalagay po sa Articles of Incorporation, eh may 125 shares ako. amount subscribed ay 125 at ang amount paid ko ay 50 pesos. Pero hindi rin ako nagbigay sa kanya ng 50 pesos.

Patulong naman po dahil natatakot ako na baka bigla na lang eh may kaso na pala ako sa BIR.

Maraming Salamat po talaga sa sasagot.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum