Hihingi lang po sana ako ng advise, me kaibigan po ako nalumapit sa akin para magparediscount ng cheke. Ginarantiyahan ho nya na wlang magigng problema sa pondo dahil sya po ang me hawak ng accounting sa kanila.
Dahil kilala ko naman yun lumapit ay ginarantiyahan ko naman sya sa isa kung kaibigan na maglabas ng pera. Ang me ari ho ng cheke ay di ko po nkilala ng personal. bale pinsan ho sya ng kaibigan ko. maayos naman po yung mga naunang transaction hangang sa dumating ang time na renew lng, tubo lng po binabayaran. Pagdating po ng march kahit tubo di na mabayaran.yung me ari ng cheke umalis na ho ng bahay nila. puro text na lng ho communication. nangako ng ilang beses pero di natupad. yung huling pangako April 2016 daw ho magbabayad kayo ipinasok na ho yung mga cheke. Wala hong pondo 2 cheke at 2 cheke closed account. nung una ho nagtetext pa na mag antay antay lang pero sa ngayon ho di na makontak. ano ho ba magandang gawin? sa nag issue ng cheke at sa nagguarantor sa cheke? Sana po ay matulungan nyo ako. Marming salamat po.