May kinuha pong SONY mobile phone ang friend ko worth 20 or 30k. Inuwi nya nilagay sa bag, at di na daw ginalaw pa. The following day, nacheck na may nawawalang item at naconfirm thru cctv na sya nga ang kumuha kaya diniretso na sila sa police station. Nagfile ang company ng kaso na qualified theft to this person. Inamin nya na kinuha nya, binalik ang item, and apologized sa nagawa nya.
Na termina sya sa work and sa agency nya. Di nirelease ang sahod nya ng 14days, back pay (2015-2016), and back pay from previous agency.
Company HR said na may dalawang hearing na hindi dinaluhan ang friend namin for reason na hindi nila alam. Magkakaron din daw ng 3rd hearing this month of May, at pag di pa rin daw sya nakadalo papadalhan na sya ng warrant.
Ano po ang gagawin sa ganitong case, kung yung hinabla nila eh wala naman pong natatanggap na subpoena? Iniinsist po kasi ng HR na meron daw po silang pinadala, pero ayaw sabihin kung sino nakatanggap ng subpoena.