Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Surname related please help

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Surname related please help  Empty Surname related please help Mon Apr 11, 2016 9:45 am

meltforzhai


Arresto Menor

Ask ko lang po yung case ko..
Yung mama at papa ko po kasi hindi pa kasal nung pinanganak ako kaya ang gamit kong apelido sa birth certificate ko is yung apelido ng mama ko. Tapos po naging kasal na sila kaso yung sa birth certificate ko po apelido padin ng mama ko. Ano po ba ang mga dapat gawin para po mai-update yung apelido ko? Salamat po.

2Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Mon Apr 11, 2016 10:16 am

centro


Reclusion Perpetua

Birth Certificate mo ba ay updated na sa Office of Civil Registry at authenticated na nga National Statistics Office? May annotation ba ang birth certificate mo na kasal na sila at puede mo ng gamitan ang surname ng tatay? Take note na di magbabago ang original surname mo. May dagdag lang na impormasyon sa iyong BC.

3Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Mon Apr 11, 2016 1:19 pm

meltforzhai


Arresto Menor

17 years old palang po kasi ako turning 18 this coming April 13. Sa palagay ko po hindi pa updated ang BC ko dahil hindi pa po siya NSO authenticated certificate lang po siya. Nung pinanganak po kasi ako hindi pa sila kasal. Ang gamit ko pong apelido ngayon pati sa BC ko is yung apelido ng mama ko. Ano po ba ang dapat gwin para magamit ko po apelido ng papa ko? Payag naman po siya dahil yung pangalawa kong kapatid sakaniya naman po naka-apelido. Salamat po sa pagsagot.

4Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Mon Apr 11, 2016 1:22 pm

meltforzhai


Arresto Menor

Pero balak ko po kumuha ng NSO copy ng birth cert ko dahil po kailangan ko sa enrollment kaso nga po ang apelido ko na lalabas po don yung sa mama ko kaya tinatanong ko po sana ang procedure para maayos na ang apelido ko.

5Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Mon Apr 11, 2016 6:31 pm

centro


Reclusion Perpetua

centro wrote:Birth Certificate mo ba ay updated na sa Office of Civil Registry at authenticated na nga National Statistics Office? May annotation ba ang birth certificate mo na kasal na sila at puede mo ng gamitan ang surname ng tatay? Take note na di magbabago ang original surname mo. May dagdag lang na impormasyon sa iyong BC.

17 years old palang po kasi ako turning 18 this coming April 13. Sa palagay ko po hindi pa updated ang BC ko dahil hindi pa po siya NSO authenticated certificate lang po siya. Nung pinanganak po kasi ako hindi pa sila kasal. Ang gamit ko pong apelido ngayon pati sa BC ko is yung apelido ng mama ko. Ano po ba ang dapat gwin para magamit ko po apelido ng papa ko? Payag naman po siya dahil yung pangalawa kong kapatid sakaniya naman po naka-apelido. Salamat po sa pagsagot.

Hindi updated ang Birth Certificate mo. Di din ito authenticated ng NSO using your mother's surname per your reply (Confirm please with the OCR or check this kung negative nga sa NSO para sigurado.) Walang annotation na nasubmit ng kasal na ang magulang. Wala ka rin Affidavit to Use Father's Surname (ayon sa iyong reply). So kailangan iupdate ito sa Office of Civil Registry kung saan ka nakaregister. Ano ano ang dapat isubmit sa OCR para magamit mo ang apilyido ng tatay: (1) Certificate of Marriage of your parents;
(2) Your Certificate of Live Birth;
(3) Acknowledgment, or Authority to Use Father's Surname signed by your father
(4) Affidavit of legitimization executed by both parents.

Usually ang hanap sa 1 and 2 ay NSO Certified. Pag pasado sa OCR, naglalagay ng annotation na "legitimated by subsequent marriage" indicating the family name which you can use. Your OCR will charge some fees. Take note, your name will not be changed but rather an annotation will state you can use the father's name. This updated registration at the OCR will be sent to NSO for authentication. When you get your authenticated NSO copy with the annotation, you officially can now carry your father's surname.

Kindly validate all these steps by going to the Office of the Civil Registry where your BC was registered. Feedback ka kung tama nga o may problemang iba. Tanungin mo rin si utol kung ano ang ginawa niya. Good luck.

6Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Mon Apr 11, 2016 6:38 pm

meltforzhai


Arresto Menor

Yung Acknowledgement or AUSF po ba sulat kamay po or kailangan sa Atty papagawa? Yung sa # 4 po ba sa Atty din po ba yan kinukuha? Usually po ba magkano ang magagastos sa mga yan may idea po ba kayo? Yung kapatid ko po kasi kasal na yung magulang namin kaya apelido na agad ng papa namin dala niya. Salamat ng marami.

7Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Mon Apr 11, 2016 6:43 pm

meltforzhai


Arresto Menor

Nung pinanganak po talaga ko hindi pa sila kasal pero nasa certificate ko yung name ng father ko pero hindi ko gamit don apelido niya.. Sabi po ng mama ko ang nasa BC ko daw po talga ay apelido niya ang gamit..

8Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Mon Apr 11, 2016 9:22 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Merong form online ng ausf then sign ni father then norarized then lcr

9Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Mon Apr 11, 2016 10:21 pm

meltforzhai


Arresto Menor

How about yung affidavit of legitimization?

10Surname related please help  Empty Re: Surname related please help Tue Apr 12, 2016 9:00 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Pwede to kung kinasal parents ti make u legitimated. Punta k lcr for other docs

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum