Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Utang ng iba, sa akin nakapangalan

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Utang ng iba, sa akin nakapangalan Empty Utang ng iba, sa akin nakapangalan Wed Mar 30, 2016 2:35 pm

vinci.hh


Arresto Menor

Good pm po. Magpapatulong lang po sana ako kung pano ko magagawang liable ang taong tinulungan ko pero hindi binalik ang tulong sa akin..

Nag apply po ako ng personal loan sa dalawang bangko (PHP170K at PHP130K approved amount) para matulungan ang isang kaibigan. Tinulungan ko rin sya sa pangakong gagawin nyang supplier nya ang nanay ko ng mga pabango at dishwasher soaps na gawa ng nanay ko sa tindahan na itatayo nya. Kaso ndi nya tinuloy ang tindahan at ginastos sa iba ang pera na nakuha sa akin. Madali akong na-approve dhl maganda ang trabaho ko noon. Nakapangalan ang parehong loan sa akin lamang. Ni hindi ko sya ginawang co-maker dhl sa tiwala. Nagkaron kmi ng agreement letter na babayaran nya ang monthly amort thru PDCs na sa akin idedeposit o kaya ay ibibigay nya sa akin ang ATM nya sa trabaho nya. Unfortunately, ni singko ay hindi xa nagbabayad dhl sa leche2 na pangyayari raw sa buhay nya..kesyo nagkakasakit ang anak, nanay, tatay, brother in law, away mg asawa etc...ngayon po ay magdadalawang taon na ang sitwasyon...nagawa kong abonohan ang halos isang taong hulog nya sa dalawang bangko na umaabot ng 15k+ kada buwan nung may trabaho pa ako pero nung nawalan ako work ay hindi ko na mahulugan, maliban sa nagkaron pa ako ng salary loan sa dati kong kumpanya na ngayon ay hinahabol na rin ako dhl ung pambayad ko sana ay ung sinisingil ko sa knya na cash na inabono ko ng isang taon pero hindi ko rin mabawi iyon..

Ngayon po ay tatlong bangko na ang naghahabol sa akin. Ang nakakasama pa ng loob ay nakademanda na raw ako dhl sa bounced check sa mga PDCs na inissue ko pra sa 2 loan na ang pera napapasok ay dpt galing sa knya.

Ang tanong ko po, enough na po ba ang Agreement Letter na pinirmahan nya tungkol sa mode of payment nya sa 2 loan ko na pra sknya pra mademanda sya? Paano ko po sya magagawang liable din sa mga utang na sa akin nakapangalan kung hindi ko nman sya co-maker? Gusto ko po sana na ang habol sa akin ng bangko o legal ay ganun din ang maging habol sa knya. Grabe na po ang stress na binibigay nito sa akin. Malaki po ba ang gagastusin ko kung sakaling idemanda ko sya..?

Sana po ay matulungan nyo ako sa proseso na kailangan kong gawin pra panagutin ang taong ito. Salamat po....

2Utang ng iba, sa akin nakapangalan Empty Re: Utang ng iba, sa akin nakapangalan Wed Apr 13, 2016 5:14 pm

vinci.hh


Arresto Menor

sana po may makatulong sa akin, pls reply pls pls pls

3Utang ng iba, sa akin nakapangalan Empty Re: Utang ng iba, sa akin nakapangalan Fri May 06, 2016 12:00 pm

vinci.hh


Arresto Menor

up up up please....

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum