Meron po akong ikoconsult sa inyo na kaso ng pamboboso O paninilip. Meron po akong kaibigan na inaakusahan ng pamboboso na ayon sa nagrereklamo na tumira sa kanila nuon dahil pamangkin sya ng kanyang maybahay ay lumipas na ng 16 -18 taon na ang nakakaraan. Hindi rin naman sya minor nuon ng ito ay manirahan sa kanila dahil sya ay galing sa broken family. Makalipas ang unang taon ng paninirahan sa kanila ay pinaaral pa ito sa kolihiyo kung kaya every weekend na lamang ito kung umuuwi sa bahay ng pamilya ng kaibigan ko na nagpaaral sa kaniya. Napakaraming pagkakataon sana nuon para isuplong nya ang kaibigan ko kung ito ay tutuo nga nangyari.
may ilan akong katanungan.
1.) Kahit sa tagal na ba ng pangyayaring ito ay pwedi pa ring sampahan O ireklamo ang kaibigan ko?
2.) Ito ba ay criminal offense?
3.) Ano ang possible penalty sa namboboso?
4.) sino ang me karapatan na magsampa ng reklamo?
5.) Pwedi ba ang third party ibig sabihin ay ibang tao ang maghain ng kaso?
6.) saan pweding isampa ang kaso?