Hingi po sana ako ng advice. Is there a possible po ba na makulong ang isang tao pag napatunayan po ba na nagnakaw ng paninda sa halagang wala pang 1,000pesos? Nagsampa na kasi ng kasong theft yung tindara. Although hindi ko talaga alam ang tunay na nangyari. Base po sa salaylay na inakusahan matagal na daw siya nagtitinda dun kaya imposibleng ninakaw nya yun. Nagtitinda po kasi ng gulay yung biktima bigla na lang daw siya nilapitan nung tindera ang tiningnan yung hawak nyang plastik. Nagulat din yung biktima dahil hindi naman nya alam na nandun yun paninda sa loob ng plastic nya alam lang nya gulay lang yung nandun pero nakita sa loob yung 2 supot ng pusit. Sabi nung biktima baka inngit or may galit lang daw yung nagsampa ng kaso dahil naagawan siya ng customers at posibleng sinetup lang siya kasi yung guwardiya na hiningan ng tulong ng nagtitinda ng pusit ay parang galit din sa kanya dahil tuwing magpapapalit ito sa biktima ng barya sinasabi nito na walang barya which is wala naman talaga. Ano po kaya mangyayari sa kaso?
Free Legal Advice Philippines