Ang primary reklamo po ng mom ko ay yung naisanla ng father ko sa isang tao ang sasakyan ng walang consent ng Mom ko. Hiwalay po sila ng mom ko last 2014 pa, hindi na po sila nakatira sa iisang bubong. Nasa amin ang sasakyan pero kinukuha na sa amin ng pinag-sanglaan ni papa dahil ang tagal-tagal na daw ng utang ni papa hindi na binayaran.
Umabot po sa mom ko ang chismis na nakasangla nga daw po ang sasakyan, at tinatanong namin si papa last year pa kung totoo ang tsismis, sabi niya pumanatag daw kami wala siyang sinasanla. Hinahanap namin ang ORCR sa kaniya, sabi niya lang lagi "andiyan lang."
pero last february lang naconfirm po ng mom ko na totoong nakasangla ang fortuner namin. Ayon sa reliable source, alam po ng buong baranggay namin dahil yung pinagsanglaan niya yun ang nagkakalat.
Naghiwalay po ang mom at dad ko two years ago dahil sa nalaman namin na naisangla niya ang isang bahay namin ng hindi naka-pirma ang mom ko, hindi niya alam na naisangla ni papa. Tapos nalaman din namin na nagka-affair siya sa maraming babae kaya hindi na talaga nabuo ang pamilya namin. Mas lalo pang tumindi ang galit ng mom ko dahil naisangla ng father ko ang ORCR ng sasakyan, pinangalan ng father ko ang sasakyan sa kaniya, eh ang mama ko ang nagbayad ng lahat. Kapal talaga ng mukha niya. Galit na galit kami sa kaniya. Sinisinungalingan niya na kami, pinagnanakawan pa niya kami. Hindi lang yun, marami pa siyang naisangla na gamit namin at naconfirm namin sa sister niya na sinangla ni papa. Dinedeny lang kasi ni papa pag nagtatanong kami sa kaniya.
Tapos sa two years na hiwalay sila, hindi niya kami sinusustentuhan. Special child ang kapatid ko kaya nagpapagamot siya, nag-EEG at check up kung minsan sa Manila pa. Yung kita ng tatay ko sa pagda-drive niya, sa kaniya lang lahat yun. Wala talaga siyang binibigay sa amin.
Ang sabi ng Atty na nakausap namin, RA 9262 daw.
Ito yung ginawa ng tatay ko na nakapaloob sa VAWC:
-Psychological violence
-Economic abuse
-sexual infidelity..
Magsasampa kami ng kaso pero hindi kasi malinaw ang lahat sa mama ko. Ang gusto ilaban ng atty, yung sa child support. Sabi niya, P5,000 ang hihingin namin na child support sa tatay ko. Dalawa kaming college ng ate ko at isang special child ang nakababata kong kapatid. Kakarampot lang non.
Parang ayaw ng mama ko nun, na papayag lang ang tatay ko na magbayad ng P5,000 per month tapos abswelto na siya sa lahat ng kasalanan niya? Tatawanan lang kami ng papa ko, sasabihin niya na pera-pera lang pala. Ayaw namin ng ganon. 2 years na nga niya kaming hindi sinusustentuhan, kaya na namin ng walang support niya. Ang gusto talaga ng mama ko na pagbayaran ng tatay ko, ay yung pagsasangla ng tatay ko sa sasakyan namin ng hindi alam ng mama ko. Pinaghirapan ng mama ko yun na bayaran tapos naisangla niya ng ganun-ganon na lang.
Paano ba kami hihingi ng tulong sa PAO? Hindi kasi namin gusto yung ina-advise sa amin ng Atty. Pinapaliwanag ng mama ko sakaniya na ang pagsasangla sa sasakiyan ang habol namin sa kaniya, pero yung child support ang gusto niya ilaban. Ayaw naman namin na magbabayad lang siya ng kakarampot para lang matakasan niya lahat ng pang-gag*go niya sa amin na pamilya niya.