Pinabarangay ko sya at nangako sya magbabayad ng Jan 1 at Jan 15 2011, Subalit sa sobrang sama ng ugali nya, pinaalis sya ng may ari sa tinitirhan nya. Lumipat sya sa kabilang iskinita. Dumating ang Jan3 at nagharap kami ulit sa Bgy pero hindi sya nagbayad dahil madami daw gastusin sa nagdaang pasko at sa paglilipat nya.
Napakarami kong natanggap na masasakit na salita at pagbibintang na sinabi nya. Ako daw ang nagsulsol sa may ari na paalisin sila sa tinitirhan nila, ako daw ay nagnakaw ng kung ano sa kapitbahay, sinungaling at walang hiya. Hindi nya ko binayaran dahil sa pagsulsol ko daw ay magdusa ako, nangako na naman sya sa katapusan ng Jan to Feb 10 nya babayaran.
Kahapon ay tinext nya ko, isang text na puro KUPAL ang tawag nya sa kin. Hindi ko na po matanggap ang mga ganung klaseng salita. Ayaw nya tumigil, kilala po sya sa pagiging chismosa at palaaway, pinamamalita din nya na gustong gusto nya ko sapakin sa nguso. Lagi po sya sa kalye kung sino sino ang sinasabihan ng mga kasinungalingan tungkol sa kin.
Anu po ang nararapat na ikaso sa kanya at saan po ako maaring lumapit??? Salamat