Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Unfaithful Husband

+5
LandOwner12
Fiercewoman
spratlys
Filia
recielle
9 posters

Go to page : 1, 2  Next

Go down  Message [Page 1 of 2]

1Unfaithful Husband Empty Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:29 pm

recielle


Arresto Menor

Hi po ask ko lang kung anong pwedeng ifile na case sa mistress ng asawa ko. Dun sa una nagkaanak sya before our marriage pero tinanngap ko na po yun pero yung pangalawa mistress ayaw nya tigilan ang asawa ko knowing na nakabuntis na ito ng iba at tanggap nya na may anak din kami ng husband ko. tuloy pa din ang usapan nila. And pwede ko bang gamitin ang mga chat conversation nila as evidence meron kasi dun information ng pagsesex nila. Hope you can help me, by the way ung babae ofw sya sa singapore pero tuwing uuwi sya sa pinas minimeet nya ang asawa ko ng palihim. what i can do? pwede ko ba sya ipadeport kasi sinisira nya ang pamilya ko?

2Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:30 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

This is more on civil case lang.

3Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:35 pm

recielle


Arresto Menor

anong civil case po? hindi po ako pwede magbigay ng demand letter to stop their reltionship or kaya restraining order? please specify po kasi hndi ako aware sa pwede ikaso sa knya or para matakot sya at hiwalayan na ang asawa ko.

4Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:39 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Damages lang. Well, kung gusto mong criminal case, pati asawa mo kasali. Kung magka-qualify ng concubinage, di concubinage. Pwede din Violence against women.

5Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:42 pm

recielle


Arresto Menor

Yun mistress nya lang ang gusto ko kasuhan kasi nalipaghiwalay na yung asawa ko pero ayaw nya pumayag kasi hnd daw nya kaya, pero kung damages lang pwede ko gamitin as evidence ung chat conversation nila?

6Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:49 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

You consult a lawyer na kasi di natin mahihimay yan dito. And dami lang details na kailangang makuha. Baka pumasok yan sa Coercion on the part of your husband. Try mo lang.

7Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:51 pm

recielle


Arresto Menor

Sige po thank you i will try to contact a lawyer, ofw din kasi ako at wala ako sa pilipinas habang nangyari to.

8Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:54 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Ok. Just make sure na may ebidensya ka para mas madali at mas mabilis.

9Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 4:59 pm

recielle


Arresto Menor

Yun nga po chat conversation lang sa facebook hindi kasi maview ang mga nude photos..

10Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 5:06 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Pwede na yan pero madali yang ideny kasi ang dali namang gumawa ng account sa fb. Kung civil lang, pwede pa pero I don't think so sa criminal. Mas strikto kasi ang rule of evidence sa criminal case.

11Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 5:09 pm

recielle


Arresto Menor

Basta matreathen ko lang siya na layuan na kami. ung kasulatan na galing na mismo sa batas

12Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 5:15 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

File ka ng kahit anong kaso, hayaan mo kung madismiss. Kahit unjust vexation. Kulong lang yan ng 1 month for panggungulo.

13Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Jan 30, 2016 5:17 pm

recielle


Arresto Menor

ah so pwede pala sya makulong atleast magkakarecord sya.

14Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Wed Feb 03, 2016 12:26 pm

spratlys


Arresto Menor

Hi Reciel, Filia has a point... and best din na you consult a lawyer as she suggested.. tama din xa about the damages, if my memory serve it right, we commonly call it " alienation of affection" under art. 26 civil code... in addition to the civil case for payment of damages, eto po mga possible na criminal case pwede e file sa mistress alone, depede sa mga circumstances:

1. Libel - For malicious comments or posts on the Internet that tend to dishonor or ridicule you. If found guilty, the libelous paramour may be imprisoned or ordered to pay a fine, or both.
2. slander (oral defamation) if someday mag meet kayo and my confrontation and she speaks in a manner that shames or ridicules you.
3. if she spits, shove or slaps you, "slander by deed" pwede e file.
4. if she calls or text you that cause annoyance, a case for "unjust vexation" may be filed.
5. if she recieves gifts from your husband, my bahay or anything.... pwede prostitution, though most thought it to be far-fetched, but legally kase, any woman who, for money or profit, habitually indulges in sexual intercourse or lascivious conduct is deemed to be a prostitute....

madami pa yan actually, depende sa circumstances... that's why its best to consult a lawyer para ma detail mo mga nangyari, and ma explain sayo ma-igi... Good luck po... ;-)

15Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Mon Apr 11, 2016 10:00 pm

Fiercewoman


Arresto Menor

Good day po paano po kung hindi kasi kami kasal pero live in po kami for 20 years hanggang ngaun tapos po nagkarelasyon po yung asawa ko sa dati nya studyante nung studyante pa po sya madami ng chismis s kanila pero ng makatapos po yung babae saka po sila nagkarelasyon officially alam po ng babae n pamilyadong tao ang asawa ko at may anak ....nakausap ko po yung babae s telepono para ipaalam s kanya n may asawa at anak n karelasyon nya pero di pa din po sila tumigil kianusap ko n din po yung tatay ng babae para pigilan yun anak nya..pero wala pa din pong nangyari hanggang sa nbuntis po ang babae at ngayon ay nanganak na.......ano po kaya kaso ang pwede ko isampa sa babae bilang pagpasok nya at nakagulo sya sa buhay namin kasi alam naman nya na may pamilya at nagsasama kami ng asawa kahit hindi kasal ....at kahit sa asawa ko meron po ba akong pwedeng isampa n kaso

16Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Mon Apr 11, 2016 10:03 pm

Fiercewoman


Arresto Menor

Good day po paano po kung hindi kasi kami kasal pero live in po kami for 20 years hanggang ngaun tapos po nagkarelasyon po yung asawa ko sa dati nya studyante nung studyante pa po sya madami ng chismis s kanila pero ng makatapos po yung babae saka po sila nagkarelasyon officially alam po ng babae n pamilyadong tao ang asawa ko at may anak ....nakausap ko po yung babae s telepono para ipaalam s kanya n may asawa at anak n karelasyon nya pero di pa din po sila tumigil kianusap ko n din po yung tatay ng babae para pigilan yun anak nya..pero wala pa din pong nangyari hanggang sa nbuntis po ang babae at ngayon ay nanganak na.......ano po kaya kaso ang pwede ko isampa sa babae bilang pagpasok nya at nakagulo sya sa buhay namin kasi alam naman nya na may pamilya at nagsasama kami ng asawa kahit hindi kasal ....at kahit sa asawa ko meron po ba akong pwedeng isampa n kaso

17Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Tue Apr 12, 2016 9:17 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Same story. Not married wala case sa babae.but sa lalaki pwede ang separation of property.

18Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Thu Apr 21, 2016 11:19 am

Clever_Wife


Arresto Menor

Help po. Nahuli ko asawa ko sa mismong bahay namin may kasamang babae and they were both naked. We have kids but we are not married. Just living in. Hindi niya rin mistress yung babae, friend lang sila at nag inuman sila kaya napunta na sa ganun ang nangyari. Yung babae kusang sumama sa husband ko that night na wala ako at nakipag inuman siya sa asawa ko one on one. Nahuli ko sila sa bahay pero hindi ko nasaktan ung babae. Pinigilan ako ng asawa ko at yung babae nakapag bihis at nakaalis sa bahay namin nang maayos. Ngaun nalaman ng parents niya ang nangyari at gusto mag file ng parents niya ng rape case against my husband. Yung babae hindi magfifile dahil alam niyang may kasalanan siya pero ung parents niya gusto kasuhan ang asawa ko. Ask ko lang po:

1. May karapatan ba sila (yung magulang) na kasuhan ang asawa ko ng rape kung hindi naman nirape ung babae kusang sumama? At hindi po natuloy ung love-making dahil bigla ako dumating eksakto at hindi menor de edad yung babae legal age na.
2. One month ago na yung nangyari at hindi naman talaga natuloy yung love-making. At walang nireklamo yung babae sa barangay, hindi siya nag pa-blotter at wala siyang medico legal para sabihin niyang nirape siya. Natatakot ako na baka pilitin siya ng magulang niya na sabihing nirape siya kahit hindi naman. Ano po ba ang laban namin?
3. Ano po ang pwede ko isampa sa babae sa ginawa niya? Nagkaayos na kami ng babae napatawad ko siya pero nakikialam ang magulang niya kaya kung sakali po na itutuloy nila ang kaso sa asawa ko, kakasuhan ko naman yung anak nilang babae.

Please help po.

19Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sat Apr 23, 2016 3:05 pm

Clever_Wife


Arresto Menor

Pa-advice po.

20Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Sun Apr 24, 2016 10:03 am

Clever_Wife


Arresto Menor

Please help po.

21Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Wed Jun 01, 2016 1:28 pm

Steh


Arresto Menor

bakit naman laging ung mistress lang ang kakasuhan at hindi kasama ung asawang lalake?? as if naman 'innocent and victim' ung guy?? it takes two to tango ... be fair nman mga wifey.. i myself was separated from my ex husband, fyi lang. but ang una kong ginera was my ex and kicked him out of the house. gave him away for good..

22Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Fri Jun 03, 2016 8:12 am

Clever_Wife


Arresto Menor

Hindi ko naman sinasabi na kasalanan lng ng babae. Ang main issue ko dito is yung parents nung babae. Magdedemanda daw ung parents ng rape eh kusa naman sumama anak nila sa asawa ko at nakipag one on one na inuman. At nasa legal age na anak nila mas matanda pa nga sa asawa ko eh. Di naman kami papayag na magkaso yung parents. Wala naman sila medico legal. Saka may boyfriend ung babae tapos sumama sa may asawa. Para sa akin hindi tama na magkaso sila una sa lahat madami maapektuhan mga anak namin. Kasalanan din naman nung babae. Unfair lang. At umamin naman sakin ung babae pero pagdating sa parents niya pinagtatakpan niya sarili niya.

23Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Fri Jun 03, 2016 2:07 pm

ador


Reclusion Perpetua

Clever_Wife wrote:

1. May karapatan ba sila (yung magulang) na kasuhan ang asawa ko ng rape kung hindi naman nirape ung babae kusang sumama? At hindi po natuloy ung love-making dahil bigla ako dumating eksakto at hindi menor de edad yung babae legal age na.
2. One month ago na yung nangyari at hindi naman talaga natuloy yung love-making. At walang nireklamo yung babae sa barangay, hindi siya nag pa-blotter at wala siyang medico legal para sabihin niyang nirape siya. Natatakot ako na baka pilitin siya ng magulang niya na sabihing nirape siya kahit hindi naman. Ano po ba ang laban namin?
3. Ano po ang pwede ko isampa sa babae sa ginawa niya? Nagkaayos na kami ng babae napatawad ko siya pero nakikialam ang magulang niya kaya kung sakali po na itutuloy nila ang kaso sa asawa ko, kakasuhan ko naman yung anak nilang babae.

Please help po.

kung minor yung babae pwede yung magulang magfile ng kaso. acts of lasciviousness or scandal siguro.. hindi naman ako lawyer kasi, pero that's what i think(kasi walang nasagot sa iyo na deretso e)

24Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Fri Jun 03, 2016 2:10 pm

ador


Reclusion Perpetua

pwede ding sila ang sampahan mo ng civil case, ginugulo kayo diba?

25Unfaithful Husband Empty Re: Unfaithful Husband Fri Jun 03, 2016 6:12 pm

marlo


Reclusion Perpetua

Clever_Wife wrote:Hindi ko naman sinasabi na kasalanan lng ng babae. Ang main issue ko dito is yung parents nung babae. Magdedemanda daw ung parents ng rape eh kusa naman sumama anak nila sa asawa ko at nakipag one on one na inuman. At nasa legal age na anak nila mas matanda pa nga sa asawa ko eh. Di naman kami papayag na magkaso yung parents. Wala naman sila medico legal. Saka may boyfriend ung babae tapos sumama sa may asawa. Para sa akin hindi tama na magkaso sila una sa lahat madami maapektuhan mga anak namin. Kasalanan din naman nung babae. Unfair lang. At umamin naman sakin ung babae pero pagdating sa parents niya pinagtatakpan niya sarili niya.

Tingin ko malabo mag progress ang gusto nila mangyari kung magsampa man sila sa rape case. Maaring madismiss lang.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum