Magandang araw po. Nais ko po sna itanung ang mga rights ng anak ko. 24 years old po ako ng mamatay ang daddy nya at 11 months old nmn po ang bata. Isa pong Police sa Manila at nasa service pa ng mamatay sa sakit. Pangalawang pamilya po kami. At dahil sa takot ko na ipaglaban ang karapatan ng anak ko dahil sa maimpluwensya po syang tao. At hindi ko naman po maiaalis na magalit sila sken pero idinamay po nila ang bata. Legal po at nsa pngalan ng daddy nya ang anak ko. S loob po ng 6 na taon sa hirap ng buhay plage po sumasage sa isip ko pano po kaya mkakakuha ang bata ng pension galing sa daddy nya? Buhay pa po ang tunay na aswa. At ang mga kaptid po nya ay 26 na ang bunso... Maari nyo po ba akong payuhan kung anu ang aking mga gagawin. MARAMING SALAMAT PO.