Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Perpetual right of way

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Perpetual right of way Empty Perpetual right of way Tue Jan 05, 2016 11:01 am

shence


Arresto Menor

Sa lahat po ng nakaaalam,

Maraming salamat po sa pagbabasa ng aking sulat. Ako ay kasalukuyang nakatira sa isang compound sa area ng muntinlupa. Nagsimula po ang aming problema nuong 2015, ang pinagmulan po ng aming problema ay ang "Perpetual righ t of way" na ibinigay sa amin ng developer ng subdivision na ngayon po ay nag exist sa aming lugar.

Nagsimula po ang kasunduan ng developer at ng aming home owners bago pa po sila makapagpatayo ng mga bahay nila. bilang requirement po sa pagtatayo ng isang developer ng community ay ang mga basic facilities gaya po ng Kalsada, Tubig, kuryente, at drainage system. sa medaling salita po, nakipagkasundo ang developer sa aming lugar na ikabit ang drainage nila sa amin upang mabigyan sila ng permit. kapalit po ng kanilang kahilingan ay ang pagbibigay nila ng "perpetual right of way" sa aming lugar palagos sa kanilang daan. nagpirmahan po at napanotaryo ang nasabing kasunduan. ngayon po na nakapagpatayo na sila ng mga bahay at nagkaroon ng homeowners association, ay sinisingil nila kami ng toll fee sa daanan, gayong may kasunduan po na makakaraan kami sa kalsada kapalit ng pagbibigay namin ng facility sa kanila.

Na hindi rin po sila mag e exist bilang subdivision kung hindi po sa tulong ng aming lugar na payagang gamitin nila ang aming facility.

Tama po ba at may karapatan po ba silang gawin ang paniningil?
At kung sakali pong may karapatan sila na sumingil, may karapatan din po ba kaming naapektuhan at dinaanan ng kanilang drainage na singilin sila ng indemnity?
May batas din po bang nagsasaaad na pwede nilang ihinto ang kasunduan matapos nilang gamitin at makuha ang kailangan nila?

sana po ay mabigyan nyo kami ng advice at reference ng batas upang maayos ang amin gproblema.

maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum