Need help lang po sana. Contract namin sa house na inuupahan namin e for 1 year. Kaya lang, namatay yung asawa ng ate ko, which is yung tumutulong samin magbayad ng bahay namin. NO choice kami but to leave our place kasi medyo malaki yung rent.
Nagdecide kami ng asawa ko na makitira sa bahay ng kapatid ko (dahil namatay na nga asawa nya) at kailangan din nya ng tulong dahil kapos nga kami sa pera. technically, mawawalan akong trabaho ngayon at ang asawa ko at lilipat kaming Cavite(which is malayo sa trabaho namin ngayon kaya kelangan humanap ng iba)
Nagemail na ko sa administrator ng building na inuupahan namin tungkol sa sitwasyon at ang sabi po nila e hindi daw namin pwde makuha yung 2 months namin na deposito at need namin bayaran yung current bill namin.
sabi ko naman po babayaran namin at napagbigyan kami hanggang 15th.
nagbasa basa ako ng tungkol sa issue namin at may nasasabi na kapag ang reason ay tungkol sa death ng immediate circle of family at sa case namin ay yung asawa ng ate ko, bancruptcy which is because wala kaming source of income dahil mawawalan kami magasawa ng trabaho, at migration, which is lilipat kaming location,..
pag ganto e valid ang reason ng termination ng contract namin at pwde ko makuha ang deposito namin na dalawang buwan.
Paki tulungan naman kami. salamat!