Nagdeposit lang sila sa hospital nung nanganak ako kahit usapan namin 50-50 kami sa hatian dahil yun din gusto ng nanay nya. Another, is sa binyag so bale overall may usapan kami pero hindi black and white.
Pinagkakalat ng nanay nya na hindi sa anak nya yung anak namin at sinisiraan ako sa friends nya. Plus, yung tatay tatayan nya is binantaan ako buntis palang ako nun. I was forced to work 1 week after ko manganak para masustain yung life namin.
Here's the problem, so confirmed na pinagkakalat nyang napakasinungaling ko at hindi sa anak nya yung baby namin so pwede ko ba syang i file ng case na slander? And yung friend nila na nagiging medium para magka ayos kami is humingi ng copy ng text messages namin so sinend ko and nung nag ask sakin verbatim ko sinabi mga sinabi nung nanay ng tatay ng anak ko. Pwede nya ba ko kasuhan ng libel dahil dun? Kung parehong oo, considered bang walang kaso kasi slander yung ginawa nya sakin tapos ako is libel although wala naman akong ill feeling sakanya? Saka yung ginagawa nyang economic abuse samin ng bata at psychological abuse kaya napaaga panganganak ko, may laban ba ko kahit hindi pumirma sa birth certificate yung tatay ng anak ko?