My husband's a lawyer, were married for almost 9 yrs with 4 kids in a row (9,7,6,1). We used to fight his being babaero & having kid sa pagkabinata na tinago nya sa akin. (just found it when we got married). Now my problem is yung ugali nya. 101% im financially dependent on him. wala ako work dahil ayaw nyang mapabayaan ko mga kids pero gusto nya sa ibang bansa ako mgwork para malaki kita. (gusto ko po sana yun pero di ko kayang iwan ang mga bata). Because sya ang may pera gusto nya sumunod lang ako sa gusto nya kung anuman iyon. Di ako pwede mag share ng idea sa kanya kasi lagi nyang isasampal sa akin na wala akong pera (eto yung time na pinapagawa nya ang bahay NYA).Lagi nyang insist mag-antay lang ako sa gusto nya, if i did argue on him puro mura na po ang makukuha ko and the worst pagbabantaan na naman nya ako na masasaktan uli.
In our years of being together siguro po mga 6x na po nya akong nasaktan physically. From the mild sampal, tulak, sapak, batok to the big event yung panununtok nya giving me black & blue eyes. Naisip ko syang isumbong noon sa pulis pero binigyan ko pa rin ng halaga ang estado at katungkulan nya. I took picture of myself & had examined only after a wk (nahiya kc ako sa itsura ko). From that time everytime na may mga foul syang ginagawa at sinasabi sinusulat ko na lang as my evidence. Meron syang texts sa akin na pati nanay ko damay sa mura nya & i had it video. Atty., tama bang dahil sya ang may-pera sya na ang hari sa bahay? Wala na po ba akong karapatang magshare man lamang ng ideas ko?
Our recent fight was just this DEC 24, 2010. Sa lumanay ng pagkaxplain ko sa kanya sa gusto ko sanang mangyari as expected sandakot na mura ang natanggap ko at syempre di mawawala doon ang pananakot na manakit and he did it po...sinapak po ako kahit andyan ang mga bata. The next day christmas day...sinaman nya lahat ng alalay sa bahay umuwi sila sa kanila. iniwan ako at ang mga bata siguro para maranasan ko mag-alaga mag-isa. we stayed overnight in a pension house (wala naman po kc akong pera) the next day pag-uwi naman sabi nya "kung lalayas ako wag kong isasama ang mga bata" its always like that...di man po directly pero bobo naman kung di mo maintindhan na gusto na nya akong umalis. Dahil ba sa abugado sya, laging tama ang sinasabi nya? May image syang pinoprotek mabait sya sa labas..sa ibang tao. pero di nila alam ang totoo kung sino sya.
Atty., i feel so helpless. Much as i wanted to leave i cant..for the sake of the kids at wala rin akong mapupuntahan..wala ako financially. My family doesnt know about this at ayoko pong malaman pa nila.
Thank you & more power!