Magandang umaga po!
Ako po ay nais humingi ng tulong legal tungkol sa sanla tira. Kami po ng asawa ko ay kumuha ng sanla tira ng kuwarto Noong November 4, 2015 sa halagang 150k subalit hindi po tapos at hindi pa pwede tirhan agad ang kuwarto sapagkat madami pa po aayusin sa kwarto. Nang maibigay po nmin ung halangang 150k sa may ari ng bahay, nangako ang may ari ng bahay na ito ay ipapagawa muna nila bago nmin titirhan. Ang aming kasunduang kontrata ay aking pinanotaryo subalit ang pagpapagawa nila ng bahay ay hindi naisaad sa aming napagkasunduang kontrata, ito ay verbal lamang, ang may ari ng bahay ay nagsabi sa amin na sa loob ng dawalang linggo ay matatapos na ang paggawa sa kwarto at lubos po kami nagtiwala sa kanila na ipapagawa nila ung kwarto na nakasanla sa amin. Ngunit hanggang ngaun ung kwarto na nakasanla sa amin ay hindi pa rin natatapos kaya hindi pa nmin pwede tirhan.
Noong November 21, 2015 nagsabi ang may ari ng bahay sa amin kung pwede magdagdag kami ng 10k kasi kinapos na "DAW" sila pinansyal at para matapos na yung paggawa ng kwarto na nakasanla sa amin, pero ako ay nagdadalawang isip na magbigay na ng pera dahil sa tingin ko nasira ang aming tiwala sa kanila at gusto na naming mag asawa na bawiin na lamang ang halangang 150k sa kanila.
Ano po ba ang magandang paraan para mabawi ang pera nmin.
Ako po ay umaasa sa inyong mabuting loob at tugon.
Salamat po!