Good afternoon!
Gusto ko po sana humingi ng advise.
Married po kami 2012, age ko po noon ay 21, ang husband ko po ay 24. Pareho po kami Filipino at nandito din po kami sa Pilipinas.
2014 po nag apply po kami Immigrant sa Canada. Nakapagpass din po kami ng NSO copy ng marriage namin.
2015 po, kumuha kami nang NSO ulit para po sana hindi na kami pipila pa doon para kumuha sa susunod. Kaya lang po negative na po yung copy. Kumuha din po kami ng Cenomar, negative din po.
Pumunta po kmi sa LCR para e check bakit.
Pinakita ko po ang copy ko at sabi doon na naka under po kami sa article 34. Ngunit hindi po nailagay sa LCR po! Wala po kaming alam ng article 34 na yan hanggang sa sinabihan na po kami ng taga LCR.
Sabi nila e reregister nlng daw po nila.
Pero sa akin naman po, hindi po kasi kami nag-lived-in ng husband ko. Baka e question kami nang immigration nyan.
Lahat po ng papers ay negative except sa naipass na po namin ngunit wala din copy ang LCR.
Gusto ko po sana magpa advise sayo Atty. kasi plano nalang namin magpakasal ulit para magkaroon ng marriage license at e pass naman sa Canada.
Ano po kaya ang kailangan na e support na papers sa naipass na namin na marriage certificate?
Salamat po Atty!
GOD BLESS po!
Respectfully,
Reo