1. Paano ba maiprove na wala akong kinalaman sa transaction na iyon? Incorporator kami nung nagsimula ang business, pero umalis na din kami at nagsarili.
2. Wala po bang expiration ang incorporation?
3. Pinapunta po ako ng nbi sa RTC MAKATI to get certification of disposition of the case re alleged estafa. What happens sa ganito? May warrant of arrest po ba at baka dun pa lang kunin na ako at idetain.
Ano po ang dapat gawin???
4. San po ba pwede makahanap ng abogado? Wala po akong funds pero gusto ko na gumalaw ito.
Kelangan ko po kasi ng renewal ng nbi clearance requirement sa work visa ko abroad. Pano ko na po ito gagawin eh kasama po yung name ko sa kaso as incorporator, pero wala naman po akong kasalanan dito at hindi ko din alam na may nangyaring ganito pala.
Nakasalalay po kasi ang future ng family at mga anak ko kung di na ako matutuloy sa trabaho ko abroad dahil sa kasalanan lang ng ibang tao.
Sana po makabigay kayo ng advice. Wala po kmi pera para sa abogado. Nagulat po ako na may ganitong problema pala. Sana matulungan mo ako kahit initial directions lang what to do. Please po.
Thank you. Btw, nasa abroad po ako ngayon kaya din talagang dismayado ako at walang magawa. Thank you po.