Gusto ko lang po maliwanagan. Ang situation ko po ay ganito. Currently I am working for an incorporation, ngayon pioneer team po ako ng isang brand nila. Nagstart ang training namin ng June 2015, they made us all sign a bond amounting to 60k. Naka probi po ako until Dec 2015.
Right now, gusto ko na umalis because 1) kahit team leader po ako, hindi yun pinaparamdam saken ng admin, 2) sinabihan po ako na "hilaw" pa ako para sa posisyon na ito, 3) ang lakas po ng pulitika sa kanila, meaning may ibang supervisors/TLs na hindi sumusunod sa house rules pero hindi narereprimand, 4) 3 months of operations, wala pa rin ang Service Charge namin, 5) I don't feel there will be growth anymore despite of realizing na startup palang kame
Na-demotivate po ako dahil dito. Ayoko na pumasok pero pinilit ko, until such time, last Oct 15 hindi ko na talaga kaya pumasok dahil sa sabi po ng mga staff ko ay nariringgan nila ang OM namin na bina-backstab ako. Gusto ko po sya ma-confront but I did not do it dahil ayoko na ng issue. Oct 16 nagpaalam po ako na aabsent ako, pumayag naman po ang immediate ko. Oct 17, hindi na ako pumasok ulit dahil ayoko na po talaga, nagSMS ako sa immediate ko at nag apologize at sinabi ko ang totoo, pero ang reply nya "Wag kana magreport bukas. Mag file kana ng resignation."
Tama po ba yun? If I file my resignation, liable pa rin ba ako sa bond when in fact sa kanila na po nang galing na magresign ako?
Gusto ko lang makuha ang COE ko sa kanila. May right po ba ako makuha yun inspite of not paying them any bond?
Sana po ay matulungan nyo ko. First job ko po ito. Right now, I feel depressed about this.