Hi! Good day po. I need advise po about sa house na kinuha nmin sa isang subdivision dito sa Carmona Cavite. Nung inoffer po samin ang townhouse nung 2010, ang sabi po samen eh thru Pag-ibig ang financing kaya naengganyo kmi. so nahulog po kmi ng downpayment for 24 mos. Nung matatapos na kmi sa downpayment eh saka nila sinabi na ililipat daw sa Bank Financing dahil my issue nga daw sa Pag-ibig at that time. Pero ilang taon na po, wala pa rin approval from the bank. One of the reason na hindi ako maapprove sa bank eh ung salary ko po. Hindi po aabot sa required ng bank. Wala rin po akong co-borrower kaxe yung asawa ko po eh walang trabaho sa kadahilanan na wala kming makuha na magaalaga sa bata. So ngayon po eh nalaman nmin na pwede na ulet sa Pag-ibig. Pero ayaw pong pumayag ng developer. Kailangan daw na mag IN-house Financing kmi bago magpagibig. Ang kaso po eh mas lalong hindi nmin kaya ang inhouse dahil napakalaki po ng bayad. Ano po kaya ang pwede nmin gawin para malipat sa Pag-ibig ng hindi dumadaan sa In-house financing? Ipinagpipilitan po kaxe ng developer ang In-house. Masasayang po ang mga naihulog nmin at baka maforeclose lang yung property na ayaw po nmin na mangyari. Salamat po sa payo
Free Legal Advice Philippines