Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

voluntary retrenchment

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1voluntary retrenchment Empty voluntary retrenchment Wed Aug 19, 2015 12:57 pm

isagani


Arresto Menor

May nais po akong idulog sana sa inyo.
Maglilimang taon na po ako sa call center na pinapasukan ko tapos bigla silang ngpasabi na mglilipat daw ng tao sa ibang account. Isa ako sa napili nila kaya lang ang problema pakiramdam ko sa sarili ko na hindi ako nababagay sa paglilipatan kasi hindi naman ako magaling magingles. Nasa Non-voice account ako tapos ililipat nila ako sa voice account. Kailangan lang naman nila magbawas ng tao at hindi naman mawawala ang buong account. Pilit nila ako pinapapirma sa isang kasulatan na pumapayag ako malipat. Kung pipirma ako dun parang pumirma na rin ako ng resignation kasi ayaw ko talaga sa paglilipatan. Pwede ba ako humiling na maretrench na lang at babayaran nila ako nang ayun sa retrenchment program.

2voluntary retrenchment Empty Re: voluntary retrenchment Wed Aug 19, 2015 1:21 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Depende yon. Kung ang gagawin nila ang parang promotion, pwedeng hindi mo tanggapin. Kung demotion, di pwede kung wala namang sapat na reason, like di ka naman competent sa trabaho. Pero actually, it's the company's management prerogative to transfer its employees to where it thinks that employee would be useful. Pero if it's a way of terminating you, you can file a case them. Illegal dismissal pa din yan kahit di naman directly dinismiss. Constructive dismissal yan.

3voluntary retrenchment Empty Re: voluntary retrenchment Wed Aug 19, 2015 1:37 pm

council

council
Reclusion Perpetua

isagani wrote:May nais po akong idulog sana sa inyo.
Maglilimang taon na po ako sa call center na pinapasukan ko tapos bigla silang ngpasabi na mglilipat daw ng tao sa ibang account. Isa ako sa napili nila kaya lang ang problema pakiramdam ko sa sarili ko na hindi ako nababagay sa paglilipatan kasi hindi naman ako magaling magingles. Nasa Non-voice account ako tapos ililipat nila ako sa voice account. Kailangan lang naman nila magbawas ng tao at hindi naman mawawala ang buong account. Pilit nila ako pinapapirma sa isang kasulatan na pumapayag ako malipat. Kung pipirma ako dun parang pumirma na rin ako ng resignation kasi ayaw ko talaga sa paglilipatan. Pwede ba ako humiling na maretrench na lang at babayaran nila ako nang ayun sa retrenchment program.

Kung tutuusin, hindi nila kailangan magpapirma sa iyo ng kasulatan na pumapayag kang mailipat.

Unfortunately hindi ka pwedeng magpa-retrench dahil hindi naman sila nalulugi.

http://www.councilviews.com

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum