Good day po. Ask lang po ako ng advice regarding po sa bestfriend ko na katrabaho ko. Earlier po this year, may babae po kasi pumunta sa workplace namin, tapos may dala-dala at pinapakita nya sa lahat ng nandun ang pictures ng bestfriend ko at ng dati nyang BF.(which is nka undies lang po sila). Nalaman ko po yun po palang babae na sumusod is asawa pala nung guy. Hiyang-hiya po talaga bestfriend ko kasi pinakita yung pictures kahit sa manager namin.
Lately rin po pala, decmber 2014, pinost din po ang mga pictures na yun sa fb ng kanyang anak na babae at minumura pa nila dun sa post na yun ang friend ko. Hindi po na public ang pictures nya, nka.tagged lang po sa 25 friends.
Tanong ko lang po, may case ba na pwdeng isampa ng friend ko sa anak nung guy na nagpost ng pictures sa fb? Professional.pa naman sana yung anak ng guy. Ano po pwdeng gawin ng bestfriend ko?
Salamat po