Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

its all about property

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1its all about property Empty its all about property Fri Aug 07, 2015 8:43 pm

junceus


Arresto Menor

itatanung ko lang po sana kung sapat ng kabayaran yung itinagal nilang gamitin yung lupa na tinirikan ng bahay nila.

kasi po ganito po yun ayaw parin po nila umalis sa bahay ng mama ko ee 10 years na yung itinira nila dun ee bilang anak nman po natatakot ako na balang araw ee ibenta nila yun kaya sana po ee masagot nyo po ang aking mga katanungan.
pasensya na po tiyahin ko po sya na gahaman at mautak eh wala nman po silang kasunduan na pinirmahan kaya po sana idadaan ko po sa legalidad.

sana po masagot nyo po.

2its all about property Empty Re: its all about property Sat Aug 08, 2015 9:14 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Ang ibig mo bang sabihin ay may pagkakautang sila sa inyo at nakatira sa lupa niyo? Alam mo, kung wala namang kasunduan para sa ganun, hindi yon magiging kabayaran. Parang pinatira niyo lang sila ng libre.

Di naman nila yan maibebenta kung nakapangalan naman yan sa inyo kahit sila pa ang nakatira doon.

3its all about property Empty Leasing a foreclosed property. Sun Aug 09, 2015 2:47 pm

Jun Encarnacion


Arresto Menor

Nag-uupa po kami ng mag-ina ko ng bahay since September 2012. Last June 1, 2015, may nagpunta po na inspector ng Pagibig dito sa bahay, sinabi ko po sa kanya na umuupa lang kami at tinuro ko ang bahay ng may ari na nasa tapat lang namin, ang sagot po nia sa akin ay hindi sila ang may ari ng bahay kundi ang Pagibig, at kung gusto ko raw bilhin ang property ay magpunta ako sa office nila sa Shaw Blvd.Mandaluyong. Kaya, kinabukasan po, June 2 nagpunta ako sa Pagibig office sa Manda at na-confirm ko na ang property ay foreclosed na sice December 2012 pa. Ang sabi po sa akin sa Pagibig bakit daw ako magbabayad pa sa kanya ay di na naman sa kanya ang property. Maraming beses na po ako bumalik sa Pagibig para masiguro  ang status ng bahay, hanggang Legal Deparment ay umabot ako at siniguro nilang foreclosed na ang bahay at di na pwede habulin ng dating may-ari dahil napadalhan na ito ng ilang beses ng notarial notice of cancellation of contract to sell. Di po nagbibigay ng hard copy information ang Pagibig, bawal daw po.

Pinipilit pa rin po ako paalisin ng dating may-ari, balak po namin ng kapatid ko na bilhin ang bahay once na ito'y maging available for sale na, at inaantay ko po ang Invitation to purchase from Pagibig being the occupant of said property at the time it was foreclosed per instruction ng Pagibig. Pina-barangay po ako ng dating may-ari dahil sa di ko na nga pagbabayad. Wala naman siyang maipakita sa barangay na papers na kanya nga ang bahay kundi ang notice na may utang siya sa Pagibig. Idedemanda daw po kami. Ano po ba ang aking legal na gagawin para tigilan na kami ng taong ito. di ko po kaya magbayad ng attorney.

4its all about property Empty its all about property Mon Aug 10, 2015 12:53 am

junceus


Arresto Menor

Bda po kpag walang legal na kasunduan pwede po yun mapa walang bisa??

5its all about property Empty Re: its all about property Wed Aug 12, 2015 4:29 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Know what, hangga't wala kang hawak na kahit anong document na nagbibigay sa yo ng right na tumira dyan galing sa pag-ibig, kailangan mong magbayad sa may-ari nyan. Kasi alam mo, may 1 yr pa naman na pwedeng ma-redeem ng may-ari ang property. Hindi din naman ibig sabihin na pwede ninyong bilhin ang property ay kayo na talaga ang makakabili kasi io-auction yan.

6its all about property Empty Re: its all about property Thu Sep 24, 2015 9:17 am

jellybean22


Arresto Menor

Paano po ba magkakaroon ng added layer of security ang isang buyer ng kotse sa bank kung saan gumamit si buyer ng ibang tao para ma-approve ang car loan. Nakisuyo ang buyer sa isang taong (bank debtor) kilala na may magandang credit history sa bank para magsecure ng car loan na inaprubahan naman ng bank pero ang magbabayad ng obligasyon sa banko ay yung buyer mismo at hindi yung bank debtor.

Ang intention po talaga ay para mainvolve or ma-notify yung bank regarding sa arrangement the buyer at ng bank debtor nang saganon pag nabayaran na ng buo yung loan, pwedeng idirektang itransfer na ng bank yung title sa buyer instead dun sa bank debtor. Aside from Deed of Sale between bank debtor and buyer, ano pa po ang pwedeng gawin para hindi malagay sa alanganin si buyer dahil pwedeng hindi malipat sa kanya ang title kahit siya pa ang nagbayad nito. Salamat po.

7its all about property Empty Re: its all about property Thu Sep 24, 2015 10:22 am

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Pagawa ka ng Deed of Sale with Assumption of Chattel Mortgage. Ipa-notarize mo. Pag-na-assume ka, iko-consider pa rin ng bank ang qualifications mo at baka di pumayag. Ganito na lang, inquire ka sa bank about sa situation mo but dont tell them that you already have an existing arrangement with your friend. Pag medyo negative ang feedback nila, saka mo na lang sabihin sa bank ang arrangement niyo. Basta you should keep all proofs of payment and the deed.

8its all about property Empty Re: its all about property Thu Sep 24, 2015 12:54 pm

jellybean22


Arresto Menor

So depende po pala sa magiging reaction ng bank kung anong susunod na hakbang ang pwedeng gawin ng buyer. Technically, hindi talaga approve si buyer (requirements wise) pero meron syang perang pangdeposit at panghulog sa monthly amortizations. Nakikita ko kasi ang problem na kung hindi involved si bank sa arrangement between bank debtor and buyer pwedeng sabihin ni bank debtor e sya ang owner ng car kasi hindi privy si bank sa arrangement ng bank debtor at buyer. If it turned out na masama ang ugali ni bank debtor, pwede nyang i-claim yun kasi yung deed of sale is between him as buyer and bank as the seller. Pag natapos ang bayarin at ittransfer na sa pangalan ng buyer, pwedeng ideny ni bank debtor yung arrangement at i-claim na sya nagbayad kahit ang totoo ay hindi. Mahirap po kasi nyan, sa una maganda usapan, tiwala sa isa't isa pero eventually bumabaligtad na.

9its all about property Empty Re: its all about property Thu Sep 24, 2015 2:39 pm

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Ganito kasi ya. Ang bank at ang friend mo ay may deed of sale at meron din chattel mortgage. In short, ngayon pa lang, ang ownership ay nasa friend mo na talaga. Kaya nga gagawa ka ng deed of sale (ikaw at ang friend mo) para mailipat sa ýo ang ownership. Para makapagbayad ka, ia-assume mo din ang mortgage. Kahit di pa sayo nakapangalan ang CR ng car, iyo na yan. Ang purpose din ng notarization ay para maging binding yan sa lahat ng tao sa buong mundo. Kahit di alam ng bangko, magiging binding yan sa kanila. Pero kung maiparegister nila sa name ng friend mo, makukuha mo pa rin ang car kasi ikaw na ang may-ari using that document. ok?

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum