Hello!
Hindi ko ipinagmamalaki na may mga atraso din ako sa credit cards. Nakakastress, nakakahiya, at nakakainis.
2011, napakaganda ng negosyo. Banko pa ang nagpapadala ng credit card. Kahit online application, gold at premium agad ang i-aapprove. Kaso nagkaproblema ako ng 2013, nagsimula na akong mahirapan makabayad.
Umabot na sa collection agencies ang mga cards, kaya kailangan ko nang i-settle sa terms nila para lang tumigil na sila (na akala ko kakayain ko). Pero hindi ko natupad ang mga agreements. Nagpalipat-lipat ang account ko sa iba't-ibang agency. May buraot, may maayos kausap, meron yung akala mo sa kanya ka may utang, meron naman yung parang nanay mo na pinapagalitan ka. Stress.
Umabot din sa point na nakipagsigawan ako sa phone. Yung sigawan na halos di ko na maalala ang sinabi ko. Pero, take note, di ako nagmura.
Hanggang sa, hindi ko na talaga kinaya ang makipagusap at makipagtawaran. Ganito ang coping mechanism na ginawa ko.
1. Aminin sa sarili na may obligasyon na dapat bayaran.
2. Ituloy ang buhay ng normal, hindi alam ng katabi mo sa jeep na may sumusulat sayong "Attorney de Kamote".
3. WAG MAGPALIT NG CONTACT number. Dahil pag nagpalit ka ng number at kung malaki ang utang, dyan maglilitawan ang mga "Sheriff de kunyari", "Pulis de commission" at ang matindi, si Brgy. Kapitan. Ibig sabihin ng pagpapalit ng number ay grounds for house visits.
4. Ipermanenteng i-SILENT ang cp, para hindi ka maabala sa mga new number na tumatawag. Wag mo panghinayangan na hindi mo masagot ang mga yan, kung importante, magttext naman yan.
5. Magdasal at humingi ng kapatawaran bago matulog. Humingi ng lakas na bukas, matino ka pa mag-isip para mkapagtrabaho para may maibayad.
Mahaba na ito, next na post ko siguro ay kung paano makipagtawaran.
P.S. Hindi pa din ako bayad hanggang ngayon pero nag-aalok na sila ng discounted settlement up to 50%.
Abangan ang susunod na post.