Meron akong credit card na hindi nabayaran way back 2010 or 2011 due to a financial crisis. After a few bank statements, nakatanggap ako card termination notice galing sa banko at yun na yun. Feeling ko nga nakalimutan na ako ng banko kasi madaming beses ako tumawag sa kanila before at humingi ng amnesty or loan structuring man lang at sinabihan ako ng mga agents nila na wala silang magagawa kasi active pa yung card ko.
I kept my number and email since then but still walang kahit anong contact from the bank.
Last year, I tried to file a loan sa bank. Housing loan sana so kinolekta nila contact details ko then tinawagan ako ng loan officer at sabi may hit daw ako, pero try nya pa din daw ipa-approve. All of the sudden, may nag email sa akin. Mukhang collection agency, asking me about dun sa credit card ko na 7 years na atang nananahimik. Sabi ko tatawagan naman ako ng bank if ever kasi same number pa din gamit ko. Then lumipas ang isang taon, bwenas na nakapag abroad. Same bank na inaapplyan ko ng loan nagpa update ng contact details, so nag update ako in good faith. Bago na number ko kasi nga nasa abroad na. Eto na, me tumawag bigla, collection agency. Kinauaap ko naman ng maayos at willing naman ako mag settle kasi nga medyo kaya na. Ang problema ko lang, bakit yung details ko na alam ng bank ng credit card ko - di nila ako makontak, samantalang yung bagong number, nakuha nila agad. Saka timing sa credit check yung pag tawag ng collection agency.
Tanong ko lang po, pwede ba ako mag habol sa breach ng information privacy ko? May nag advise na din sa akin na kontakin ko daw national privacy commission. Gusto ko lang sana malaman kung may legal merit yung situation ko?
Salamat!