kung hindi po kayo ikinasal, eh hindi mo sya tunay na asawa. kayo ay nagsama lamang without the benefit of marriage.
una, mas tibayan mo ang loob mo sa mga darating na panahon at yan ang karaniwang resulta ng nagsamang mag bf-gf relationship na nagsipag bunga ng bata. o tinatawag na illegitimate child.
ang pakaka intindi ko sa nabasa ko, dahil below 7, ang full custody ay sa ina o parte ng ina. kung above 7 ang bata, maaring mapunta sa isang natural na magulang ang bata kung may sapat na batayan makita ang court na ilayo ang bata sa ina o guardianship ng ina.
ang general rule sa mga illegit children ay sa ina ang bata para sa wastong pangangalaga at pagmamahal lalo na't minor ang mga bata. ito ay maaring ipawalang bahala kung may mabisang dahilan na makikita ang court na ihiwalay o ilayo ang illegit na bata sa ina.
dahil wala ang ina at malayo sa bata, ang napagiwanan ay ang guardianship ng ina ng bata. kung nakikita at mismo ang bata ang nagsasalita na sya ay hindi naalagaang mabuti, bakit hindi mo ipaglaban ang karapatan mo bilang ama sa sinasabi sa iyo ng bata na hindi sya naalagaan dun.
Kakailanganin mo ng abogado para luminaw ang mga bagay bagay at tamang proseso sa courte.
Maari kang pumunta sa PAO sa lugar ninyo at humingi ng tulong o public attorney