ANG AMOUNT O HALAGA NG SUPORTA SA ANAK NG MGA MAGULANG AY WALANG FIX NA AMOUNT DAHIL ITO AY DEPENDE SA FINANCIAL CAPACITY O KAKAYAHAN NG MAGULANG NA MAGSUSUPORTA AT DEPENDE SA PANGANGAILANGAN O NEEDS NG ANAK. ANG BATA AY MAY KARAPATAN NA HUMINGI NG SUPORTA SA MAGULANG KAHIT HINDI KASAL ANG MGA ITO.
Marami ang nagtatanong kung magkano ba talaga ang suporta na dapat ibigay ng isang magulang sa kanyang mga anak at sino ba dapat ang magbigay ng suporta at kanino dapat magbigay ng suporta? Meron din nagtatanong na kung hindi ba kasal ang magulang ay may karapatan ba ang kanilang anak o illegitimate child na humingi ng suporta.
"May right po ba humingi ng suporta ang aking anak sa tatay niya kahit hindi kami kasal? Ilang percent po ba ang dapat kong hilingin sa kanya, dapat po ba ay 50% ng sweldo niya ang ibigay sa amin bilang suporta? 1 year old na po ang anak ko sa kanya ngunit P15,000 lang po ang bigay niya kada buwan e gusto ko po at least 50% ng sweldo niya. Pwede po ba yon?"
Ito ang mga usual na tanong na dapat sagutin ngunit alamin muna natin kung ano ba ang "SUPPORT" na tinatawag. Ayon sa Article 194 ng Family Code, ang "support" ay binubuo ng food, dwelling/bahay, clothing, medical attendance, education and transportation ng naayon sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kasama na ang schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work. Ibig sabihin, ang support ay depende sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kung kaya ang luho ng isang asawa o anak ay hindi pwedeng isama sa paghingi ng suporta.
Sino ba dapat ang magsuporta? Nasa Family Code na ang pagsuporta sa anak ay dapat mutual o parehong magulang at hindi lamang ang isa sa kanila at ito ay ibabahagi ng naayon sa Article 201 at 202 ng Family Code. Ayon sa Article 201 ng Family Code ang suporta o sustento ng magulang sa anak ay depende sa capacity o kakayahan ng magulang at depende sa pangangailangan o necessity ng anak. Nasa Article 202 na ang sustento o suporta sa anak ay pwedeng taasan oh babaan depende sa pag-taas o pag-baba ng kakayahan ng magulang o pangangailangan ng anak.
Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak.
Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment).