Taong 2013 ika-7 ng Oktubre, ng may lumapit sa amin na nangangailsngan ng pera sa kadahilanang gagamitin sa operas yon sa puso. Hindi ko personal na kakilala sila. Inilapit lang sila ng aking sister-in-law. Hindi na kami nag-dalawang isip dahil sa aming isipan may magandang purpose naman any pag-pupuntahan ng pera. Nagkaroon kami ng kasulatan na nag-papatunay na sinasanla nila ang kanilang titulo ng lupa sa halagang Php 150,000 at mag-babayad ng 10% na interest kada buwan. At Ito at Nabyaran sa loon ng 3 hanggang 6 na buwan. Pinirmahan ang kasulatan na ito sa harap ng Barangay captain,, ng borrower at kami as lenders. Nakapag-bayad sila ng interest sa mga ilang buwan perp nahinto ito at hanggang ngayon ay di na sila nakakabayad. Sa madaling salita, wala ng pag-babayad ng interest ang nangyayari. Lumampas na ng isang taon at muling nalalapit na ang Oktubre na bibilang na ito sa 2 taon. Ano po ang legal na proseso para masingil na namin ang perang inutang? Paano po kung hindi na sila makabayad? Pupueede po ba namin na isanla ang titulo ng lupa? Or pupuwede po ba namin na kunin ang lupa kabayaran sa utang? Kailabgan po na rin namin ng pera ngayon. Humihingi kami sa inyo ng payo para magkaroon ng linaw ng naguguluhan naming isipan. Maraming salamat po.