Ask ko po sana kung ano po ang pwede kong ikaso sa Supervisor ko. Working in a BPO industry po ako.
Ganito po kasi nag start, hindi po namin sinasabi sa opisina namin na may relasyon kami ng BF ko kasi nasa isang account kami. Pero since nasa Code of conduct na walang magiging problema, as long as umamin kami sa Supervisor, Huminge kami ng coaching/meeting sa supervisor namin para maamin ang totoo. Ang ginawa po bg Sup ko is pinapirma niya kami ng coaching log, as a proof na umamin kami sa relationship namin. After ilang months, I got pregnant. Sinabi ko sa supervisor ko yung situation ko pero since nun, araw araw niya na akong pinapatawag, laging may coaching na nagcacause ng stress ko at napipilitan nalang akong pumasok. Hanggang sa nakunan ako. Gusto ko siyang kasuhan dahil sa ginawa niyang stress sakin during pregnancy. As of now, naka LOA ako since nagkamiscarriage ako, may mga nakarating sa aking balita na tsini tsismis ako ni Sup. Gusto ko sana magresign na after LOA pero gusto ko din sana matuto yung Sup ko.
Thanks po in advance.