Alam mo kasi, when the case is still in the prosecutor's office, the prosecutor has the control of everything. He can do everything in the interest of justice. Pwede humiling sa parties, pwedeng mag-clarificatory hearing, magdecide kung anong case ang ipa-file, magdismiss ng complaint at marami pa. Kung sa tingin ng prosecurtor na may probable na nagawa ang crime, ipa-file nya ito sa korte. Pero ikaw, pwede kang mag-avail ng administrative remedies against the resolution of the prosecutor. Ipa-review mo yan sa provincial, city or state prosecutor. If the decision is still against your favor, pwede na sa secretary of justice. But hindi ibig sabihin na madedelay ang kaso mo sa korte. Pwede lang mabago ang determination ng prosecutor ng probable cause. Pwedeng ipa-dismiss ang kaso. Pero kung sa tingin ng korte ay tama ay may probable cause tulad ng determination ng prosecutor, kahit ipa-dismiss pa ng city, prov or state prosecutor or even the sec of justice, magpapatuloy ang kaso. (Kadalasan nire-respect talaga ng korte ang determination din ng ibang prosecutors at lalo na ng sec of justice)