Mag-seek lang po ako ng advice. Nakulong po kasi ang pinsan ko pang-apat na araw na ngaun dahil sa qualified theft. Siya po ay supervisor ng 11 years sa isang supermarket at pinag cashier po sya. Nung naglunch sya, ay pinakapkapan sya ng guard dahil nakita sa cctv na my nilagay sya sa bulsa na pera. Nung nakapkapan, nakita nga ang P2000 sa bulsa nya at naalala nya na nailagay nya ang nasabeng pera sa kadahilanang magpapapalit sya at nung naging busy na ay nakaligtaan hanggat nglunch na nga sya. Ang ginawa ay agad syang tinanggal at ipinakulong. Tama po ba ang process na ginawa sa kanya. Sapat na po bang evidence yung nkita lang na nakitaan sya ng pera na walang investigation na ngyari. Maraming salamat po sa advice.