Last year umalis po ang gf ko papunta sa US. Iniwan nya ang anak ko sa pangangalaga ng nanay nya. Nun una ok po ang agreement ng pamilya nya at pamilya ko na 1month saknila ang bata at 1month sa amin.
1 month pa lang po ang gf ko sa US ay may iba na syang bf na foreigner kahit na ok kami bago sya umalis. Nun nalaman ko at ng pamilya ko may iba na sya, nakipaghiwalay po ako. Kaso dinamay nya ang anak namin. Hindi nya ako pinapayagan kunin o hiramin ang anak ko kahit 1 week manlang. Wala po ako work. Pero never pinabayaan ng side ko ang anak ko. Mula sa pgbubuntis ng gf ko, manganak, binyag at until 9months ng baby ko, hindi po kami ngkulang ng pamilya ko sa pagbibigay ng pera at pagmamahal. Kahit sa pagalis ng gf ko nagbigay din kmi ng pera sknya.
Ang sakin lang po, ano kaya magagawa ko para mahiram ko un anak ko kahit 1month lang (alternate saknla). Gusto kasi ng ex gf ko na magkaroon muna ako ng work bago ko mahiram ang anak ko. Pati mga magulang ko nangungulila sa apo nila na pinagdamutan na ng ex gf ko.
Thank you po in advance.