Good Day, po ask ko lang kung ano pwede namin ikaso sa kapitbahay namin, palagi kasi sila nag videoke kahit hating gabi na, one night pinakiusapan ng asawa ko na kung pwede pakihinaan, bigla na lang nag wala yung lalaki at kung ano-ano ang sinabi sa asawa ko, na wala daw karapatan ang asawa ko at sampid lang sa lugar namin, sya lang daw ang may karapatan sa lugar, wala daw pwede manita sa kanya. nagbasag pa ng bote sa harap ng asawa ko.
Yung asawa naman po ng lalaking iyon ay ginamit ang name ng asawa ko sa pagpapakabit ng Globe Internet, para sa Pisonet business nila, so pumayag asawa ko, at nagbabayad pa kami ng 100 pesos sa kanila kada buwan para sa internet service, yun pala ay hindi binabayaran at nag kautang tulot at sinisingil ng globe ang asawa ko ng more than 8 thousand pesos. Ground po ba ito para sa estafa case? salamat po sa sasagot.