Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Patulong naman po! Please, please, please! Nalilito po ksi ako, hindi ko po alam gagawin ko.

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

CcBrutalia


Arresto Menor

Hi, kumuha po kami ng kaibigan ko ng plan na internet sa globe na 1k kada bwan ang bayad. Tapos po sakin ipinangalan kasi wala syang valid ID dahil hindi sya nagttrabaho o nag aaral. Sustentada kasi sya ng mama nya. Hindi po sya pnayagang kumuha kasi wala syang requirements na dala. Nung September po namin knuha yun. Tapos po ni isang beses hindi nabayaran. Ngayon po umabot na ng 11k yung bill at blocked na ako sa Globe at mga bank na hawak nila dahil ang last due date na binigay para bayaran yun is nung May 21 pa. Ngayon po, kung idadaan namin sa demandahan pa, ano po ba pwede kong isampang kaso sa kanya? Wala po kasi kaming kasulatan na sya may gustong kumuha nun pero po may mga screenshots ako ng usapan namin sa FB na magpapatotoo na sya talaga kumuha nun. Nasa coversation din namin sa FB na nagbayad na sya ng 1300 nung nakaraan at hindi na nasundan. Gusto ko ho kasi malaman kung anong dapat na gawin. Hindi ho kasi biro yung mabblock ka sa banko lalo na't madalas kami nagttransact ng mommy ko sa BPI at BDO. Yes. Dun po kami nakablock at sa ibang bank pa. Ngayon po tumawag sakin ang Globe. Ang sabi sakin kahit daw po bayaran pa namin yung bill hindi na mauunblock yung pangalan ko sa kanila at sa mga bank nila. Okay lang po ba kung yung 11k na yun imbis na ipambayad namin ( which is wala naman na mababago bayaran man o hindi ) e ipangdanyos ko na lang sa perwisyong ginawa nya sa pangalan ko? Kung magsasampa po ako ng kaso, anong kaso ang isasampa ko? Magagalit ho kasi talaga ang mommy ko kapag nalaman nya itong gulong ito eh. Sana po may sumagot. Maraming salamat!

LandOwner12


Reclusion Perpetua

iha???
ano kamo, magbayad or hindi, eh walang mangyayari?
OO, walang nakukulong sa utang, pero kapag napatunayang merong tangkang pangloloko, walang intensyong magbayad, eh pwede makulong,,,
oo 11k lang yan, pero utang parin, at legally dapat bayaran yan
ang pagsasampa ng kaso eh di gawang biro,
meron ka bang financial?? eh lawyers fee pa lang,,,,,
OO, meron tayong tinatawag na lower courts for settlements of small amounts, dito di na need ng attorney,,, pwede mo dito dalhin friend mo...

CcBrutalia


Arresto Menor

Ang ibig ko pong sabihin na wala nang mangyayari, kahit daw po bayaran pa namin o hindi na yung bill, blocked na din daw po talaga ako sa kanila. Kung babayaran ko po blocked pa din ako at kung hindi po, blocked pa din. Ang sabi po kasi sakin sa Globe nung nagapply kami kapag daw umabot sa ganitong sitwasyon na hindi na nabayaran ay wala daw pong mangyayaring ganun na sasampahan po nila ako ng kaso. Kaya lang po gusto ko pa ding maging sure kaya gusto ko po magkaroon kami ng settlement na danyos na lang ang ibibigay nung kaibigan ko sakin. Oo nga po, mahal nga po lawyers fee kaya po pinag iisipan kong mabuti kung ano po bang dapat gawin. Kung sa sinasabi nyo pong settlement of small amounts, magkano po kaya magagastos ko lahat doon? Alam ko ho kasing hindi talaga magbabayad yung kaibigan ko hanggang walang umaaksyon ng legal. Sa tagal ko po kasi syang kilala, alam ko hong sanay na sya manloko ng tao. Lalo na po sa panloloko ng lalaki at hindi sya natatakot sa gnagawa nya kasi alam nyang walang magtatangkang magpabaranggay sa kanya or magtake ng legal actions dahil magaling syang mang uto. Hindi ko lang talaga akalaing gagawin nya din sakin yun dahil matagal na din talaga kaming magkaibigan. Salamat po sa sagot Smile

LandOwner12


Reclusion Perpetua

so lalaki ka pala, sorry..
pero bago kayo makarating sa lower court, need mo muna sya ipabaranggay,
meron na kasi tayong bagong batas sa Katarungang pangbarangay, lalo na sa mga utang utang,
need munang dumaan dyan..


anyways, eto sya..

ere are the basic steps in filing for a Small Claims Case in the Philippines:

Go to either one of these places to file your case:
First level court of the city where you live
First level court of the city where your debtor (defendant) lives
First level courts are defined as any of the following:
Metropolitan Trial Court
Municipal Trial Courts in Cities
Municipal Trial Court
Municipal Circuit Trial Courts
Go to the Office of the Clerk of Court and fill up the following forms:
Information for Plaintiff
Statement of Claim
Certification of Non-Forum Shopping
As plaintiff, you would also need to accomplish a Verified Statement of Claim which certifies that all information you gave is correct and you have not filed the same case in any other court.
You would also need to provide other important documents that will show sufficient proof that the loan occurred, this can be ANY of the following:
Signed contracts by the defendants
Promissory notes, receipts, bank deposit slips, checks and other “paper trails”
Latest demand letter with proof of delivery and proof of receipt
Affidavits of witnesses
After this, the plaintiff will then have to pay a small amount to file the case.

wala pang 2K to....
pwede mong sama sa danyos to, pero sa ibang way, wag mo specify tong halaga na to..

CcBrutalia


Arresto Menor

Okay po. Maraming salamat po. Iintayin ko muna sa 29 kung magbabayad ba sya o hindi. Yun na po kasi yung last date na ibinigay ko sa kanya para makapagbayad sya. Maraming maraming salamat po sa iyo Smile Kapag po hindi sya nagbayad gagawin ko na po yaang mga itinuro nyo Smile

LandOwner12


Reclusion Perpetua

kilala mo naman na pala, eh bat nagpa uto ka pa..
Evil or Very Mad
babae nga naman.....
cge goodluck,,
kung ako sayo, i update mo sya, para naman meron ka vibes kung ano mangyayari sa 29..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum