Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Illegitimate Child

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Illegitimate Child Empty Illegitimate Child Mon May 11, 2015 1:59 pm

poisonivy88


Arresto Menor

What is the proper way to register an illegitimate child/children born outside a valid marriage?
If the father is willing to acknowledge the child but the mother decided to use her surname, should the father's name and infos be reflected on the child's birth certificate?

2Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Thu May 21, 2015 9:23 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

using surname of the father is a right of the illegitimate child,, not mandatory..
yes, father and mother details should be in BC...

3Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Fri May 22, 2015 8:26 am

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

you can use mine as well if u want:)

4Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sat May 23, 2015 11:57 am

poisonivy88


Arresto Menor

LandOwner12, we decided to use the mother's surname, should the father's details still be reflected on the certificate of live birth?

5Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sat May 23, 2015 12:47 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

yes,
that will link the child to the father, thus will make illegitimate.
thus will have all the rights of one,, like support, inheritance, etc...

6Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sat May 23, 2015 6:38 pm

poisonivy88


Arresto Menor

Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi na kelangan dahil apelyido naman ng nanay ang gagamitin at ilalagay lang ang info ng ama kung gagamitin ang apelyido nya (tatay). Salamat LandOwner12 sa pagpapaliwanag Very Happy

7Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sat May 23, 2015 8:26 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

karagdagan lang,
need na ilagay ang details ng tatay, para sya rights nya sa tatay like sustento, inheritance,, etc...

kung wala name ng tatay, bigla nagpaalam c tatay at meron sya malaking property,
paano i claim ni illegitimate child ang kanyang right?

8Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sun May 24, 2015 9:48 am

poisonivy88


Arresto Menor

Ok, we're not after the father's properties naman so it doesn't matter kung ano meron sya. Concern lang talaga namin is for the registration kasi baka magkaproblema with other legal documents & records (NBI, passport, etc.) kasi usually nagiging basis ang birth certificate.

Thanks a lot LandOwner12

9Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sun May 24, 2015 10:14 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua

don't say that you don't care about his rights as heir sa property ng tatay,
its his right and not yours,,,
do not risk his future for the sake of baka, baka,,,

the future holds many uncertain things, nothing is permanent,,,

paano kung dumating ang panahon, na masisi kayo ng anak nyo, kasi tinanggalan nyo sya ng rights.

isa pa, hindi lang sa sustento, karapatan nya rin, makilala, makasama at mahalin ng ama nya...

consider nyo mga ganitong scenario,,
hindi habang buhay eh bata yan,,,

10Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sun May 24, 2015 12:43 pm

poisonivy88


Arresto Menor

Right, baka masisi kami ng bata kasi tinanggalan namin sya ng right with his miserable father.

Just because the child will use the mother's surname doesn't mean the father will be deprived of his rights. The child will be fine, hindi nya kelangan maghabol sa tatay nya.

Thanks LandOwner12, we appreciate all your concern Smile

11Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sun May 24, 2015 1:47 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

no problem,

life is not always the way we want it to be...

have a great day.

12Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sun Jun 14, 2015 8:20 pm

poisonivy88


Arresto Menor

Follow up question lang Sir,

1. someone told us from the civil registrar's office na hindi daw dapat ilagay ang details ng father kung surname naman ng mother ang gagamitin, ano po ba talaga ang totoo, meron po bang supreme court decision or anything na nagsasabing dapat or hindi dapat ilagay?

2. pag po ba dati ng naregister at magfa-file ng AUSF eh napapalitan ang entry sa middle name (from blank to suname of mother) & surname (from surname of mother to surname of father) ng birth certificate?

Thanks in advance.

13Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Mon Jun 15, 2015 9:03 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Affidavit to Use Surname of the Father

MGA DAPAT MALAMAN UKOL SA R.A. 9255 (Affidavit to Use the Surname of the Father)

A. ANO ANG R.A. 9255?                

              Ito ang isang batas na kung saan maaari nang gamitin nang isang ilehitimong bata (illegitimate child) ang apelyido nang ama kung siya ay kinikilala nito (Amending Article 176 of Executive Order No. 209-Family Code of the Philippines).  Ang batas ay nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong ika-24 ng Pebrero 2004 at nagkabisa noong ika-19 ng Marso 2004, labinlimang araw matapos itong mailathala sa pahayagang Manila Times at Malaya.  Ang “Implementing Rules and Regulations (IRR)” ay inaprubahan noong ika-18 ng Mayo 2004 at nagkabisa noong ika-2 ng Hunyo 2004, labinlimang araw matapos itong mailathala sa pahayagang Manila Times.

B. ANO ANG SAKOP NG R.A. 9255                

             Ang batas na ito ay angkop sa lahat nang ilehitimong bata na ipinanganak  bago o matapos na magkabisa ang R.A. 9255 kasama nito ang mga hindi pa nakatala at rehistradong kapanganakan kung saan ang gamit ng mga ilehitimong bata ay ang apelyido ng kanyang ina.  Ito ay angkop sa mga ilehitimong batang ipinanganak noon at makaraan ang August 3, 1988.        

K. ANU-ANO ANG MGA KAILANGAN PARA MAGAMIT NG ILEHITIMONG BATA ANG APELYIDO NG AMA?                

              Ang kailangan ay ang pampubliko o pribadong dokumento kung saan makikita o mapapatunayan na ang bata ay kinikilala nang kanyang ama. Ito ay ang “Affidavit” na matatagpuan sa likod ng “Certificate of Live Birth” (COLB), isang nakahiwalay na dokumento kung saan ipinakikitang kinikilala niya ang bata o isang pribadong sulat kamay na dokumento na ginawa ng ama at pinatutunayang kinikilala niya ang bata na kanyang anak.  Ang “Affidavit to Use the Surname of the Father” (AUSF) ay ginagamit sa hindi pa nakarehistrong kapanganakan kung saan ang pagkilala sa bata ay ginawa sa pamamagitan ng isang “Private handwritten instrument” at sa mga dati nang nakarehistro gamit ang apelyido ng nanay.  Para sa pribadong sulat-kamay na instrumento, ang mga sumusunod na dokumento ay kailangan upang magpatotoo (kahit 2 lamang):

Employment Records
SSS/GSIS records
Insurance
Certification of membership in any organization
Statement of Assets and Liabilities
Income Tax Return (ITR)
                Pahintulot ng bata ay kailangan kung ito ay 18 taong gulang sa oras ng pag-aayos ng dokumento.

D. SINO ANG DAPAT MAGPATALA?                

                Ang ama, ina, anak (kung nasa hustong gulang na) o ang kinikilalang magulang at nag-aalaga ay maaaring magpatala ng publikong dokumento o AUSF para magamit ng bata ang apelyido ng kanyang ama.

E. SAAN MAGPAPATALA NG PAMPUBLIKONG DOKUMENTO O NG AUSF?

Kung  ang bata ay ipinanganak sa Pilipinas at ang publikong dokumento o ang AUSF ay ginawa sa Pilipinas ito ay  kailangang ipatala sa Tanggapan ng Tagatalang Sibil kung saang lugar ipinanganak ang bata.
Kung ang bata ay ipinanganak sa Pilipinas at ang publikong dokumento o AUSF ay ginawa sa labas ng Pilipinas, ito ay dapat ipatala sa LCRO ng Maynila.
Kung ang bata ay ipinanganak sa labas ng Pilipinas at ang publikong dokumento o ang AUSF ay ginawa sa bansa o labas ng bansang Pilipinas, ito ay dapat ipatala sa LCRO ng Maynila.
 G. KAILAN MAAARING MAGPATALA NG PAMPUBLIKONG DOKUMENTO O AUSF?                

                Sa loob ng dalampung (20) araw lamang mula ng isinagawa ito.  

H. PARA SA KAPANGANAKAN NA NAKATALA NA, ANG ORIHINAL NA APELYIDO BA NG BATA SA “CERTIFICATE OF LIVE BIRTH” AY MAAARING BAGUHIN O ITAMA PAGKATAPOS MAKAMIT ANG R.A.9255?

       Hindi. Walang impormasyon o detalye sa “Certificate of Live Birth” ang maaaring baguhin o itama. Tanging “Annotation” lamang ang makikita sa itaas na bahagi ng COLB kung saan nakasulat ang apelyidong gagamitin ng bata.





I. PARA SA KAPANGANAKAN NA IPAPATALA PA LAMANG, PWEDE BANG GAMITIN AGAD NG BATA ANG APELYIDO NG KANYANG AMA?

       Oo, kailangan lamang na ang ama ay magsagawa ng sinumpaang salaysay ng pagkilala o pagtanggap (Affidavit of Admission of Paternity) bilang ama ng bata sa araw ng pagpapatala.
copied only...

14Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Tue Jun 16, 2015 11:01 am

poisonivy88


Arresto Menor

[quote="LandOwner12"]
Affidavit to Use Surname of the Father

H. PARA SA KAPANGANAKAN NA NAKATALA NA, ANG ORIHINAL NA APELYIDO BA NG BATA SA “CERTIFICATE OF LIVE BIRTH” AY MAAARING BAGUHIN O ITAMA PAGKATAPOS MAKAMIT ANG R.A.9255?

       Hindi. Walang impormasyon o detalye sa “Certificate of Live Birth” ang maaaring baguhin o itama. Tanging “Annotation” lamang ang makikita sa itaas na bahagi ng COLB kung saan nakasulat ang apelyidong gagamitin ng bata.


Ok malinaw na wala ng mababago sa details ng birth certificate the moment na mairegister ito at annotation lang ang nakalagay. Pero sa mga legal na documento po ba tulad ng passport, school records, etc. ay pwede ng gumamit ng middle name (surname ng nanay) at surname (surname ng father) ang taong nakaregister sa birth certificate? hindi ba macocomplicate kung ang birth certificate ay walang middle name pero sa ibang document at may middle name? or the annotation itself will justify na pwede na gumamit legally ng middle name (surname ng nanay) at surname (surname ng tatay)?

15Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Tue Jun 16, 2015 11:18 am

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

paste ko lng post q sa ibang thread regarding dito sa topics ha..

as per your ref:

Huwag mag-aalaala ang mga single mother dahil nasa batas ng Pilipinas na wala talagang middle name ang illegitimate child kung hindi siya acknolwedged or recognized ng kanyang tatay sa kanyang birth certificate. Kung nailagay ang apelyido ng tatay sa birth certificate ng bata at hindi ang apelyido ng nanay, ito ay pwedeng tanggalin o baguhin at palitan ng apelyido ng nanay through a petition for change of name sa korte under Rule 108.

Ito ang sinabi ng Supreme Court sa kasong Republic vs. Capote [G.R. No. 157043, February 2, 2007] kung saan sinabi na wala talagang middle name ang illegitimate child kung hindi siya acknowledged or recognized ng kanyang tatay sa kanyang birth certificate: Ang batas ng Pilipinas sa paggamit ng apelyido ay nagsasabi na ang legitimate and legitimated children shall principally use the surname of the father. Ang Family Code ay nagbibigay sa legitimate children ng karapatan na gamitin ang surname ng kanyang tatay at nanay, while illegitimate children ay kailangan na gumamit ng surname of their mother, ngunit kung ang kanilang father ay ni-recognize sila bilang mga anak, pwede nilang gamitin ang father’s surname.

Applying these laws, ang isang illegitimate child kungsaan hindi siya recognized or acknowledged na anak ng tatay niya ay meron lang siyang given name at mother’ surname, at wala siyang middle name. The name of the unrecognized illegitimate child therefore identifies him as such. Kung ang illegitimate child is legitimated by the subsequent marriage of his parents or acknowledged by the father in a public document or private handwritten instrument that he bears both his mother’s surname as his middle name and his father’s surname as his surname, reflecting his status as a legitimated child or an acknowledged child.

Sa kaso ng Republic vs. Capote [G.R. No. 157043, February 2, 2007], pinayagan ng Supreme Court na tanggalin ang surname ng tatay ng illegitimate child dahil hindi naman siya narecognized bilang anak ng tatay niya at gamitin lang niya ang surname o apelyido ng kanyang nanay at since ito ay makakatulong sa kanyan upang mapetition siya ng nanay na nasa USA. Sinabi ng korte na ang pagtatangal ng surname ng tatay ng illegitimate child dahil hindi naman siya narecognized bilang anak ng tatay niya at gamitin lang niya ang surname o apelyido ng kanyang nanay ay dapat dumaan sa proseso ng Petition for Change of Name under Rule 108 ng Rules of Court.

im not sure if this can help.

i assume may kinalaman sa petition someday ang dahilan?


16Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Tue Jun 16, 2015 10:04 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

kaialangan ng annotation to use a middle name,
bago gamitin,,para walang bulilyaso sa huli,,

17Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Wed Jun 17, 2015 10:20 pm

poisonivy88


Arresto Menor

Ok, case closed.

Thanks LandOwner12.

And thank you raheemerick..pero kelangan talaga may kinalaman sa petition someday ang dahilan? Di pwedeng nacurious lang ako Suspect

Pero..pwede who knows..malay natin hehe Rolling Eyes

18Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Wed Jun 17, 2015 10:26 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

anytime,,

19Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Tue Jun 30, 2015 12:30 pm

poisonivy88


Arresto Menor

Pahabol na tanong lang po pala..

1. anu-ano po ba ang requirements sa pag apply ng AUSF at gaano katagal ang proseso?

2. may pagkakataon po ba na nadedeny din ang request? ano po ba ang mga maaring maging cause kung sakaling ma deny?

20Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sat Jul 04, 2015 4:14 pm

irishmay


Arresto Menor

hello... i have a 4year old daughter single pa din ako at walang permanenteng trabaho, ang tatay ng anak ko ay nagpakasal sa iba 2months after igive birth...he base in qatar now with his wife and until now wala pa silang anak... he work as an aircraft mechanic sa qatar airways at may apartment din xa na pinapaupahan  dito sa pilipinas... pero 4,500 lang pinapadala niya everymonth pwd ba akong humingi ng karagdagang sustento sa kanya lalo na ngayon na ng aaral na anak namin...apelyedo nya dala ng anak namin...

21Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Sat Jul 04, 2015 8:45 pm

technified_ex

technified_ex
Prision Correccional

Support is base on the capacity to support of the father, and it varies on a case to case basis as to how much the father is earning. List down the expenses that your child would be needing and try to ask the court that have given the order of support to you

22Illegitimate Child Empty Re: Illegitimate Child Wed Oct 05, 2016 3:51 pm

poisonivy88


Arresto Menor

Need some clarifications lang po.

1. Pwede ba mag file ng custody sa korte ang biological father ng illegitimate child?
2. Pwede ba mag nfile sa ng child support ang mother sa biological father kung ang bata ay illegitimate?

Thanks in advance.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum