Ako po ay isang illegitimate na anak. Gusto ko po sana malaman kung ano ang mga karapatan namin ng mga kapatid ko. Pang apat na pamilya na po kami mula sa tatay ko. Isa po siyang businessman. May talyer po siya. Yung suporta po ba na dapat naming mtanggap ay nakabase sa income nya? P3500 po kse ang weekly budget na bnbgay niya smen. Panggrocery na po iyun at pamalengke. Pagdateng naman po sa pamimili ng damit po sapatos na kailangan o gusto namin, ang binibigay lang po niya ay ung kaya lang pangDivisoria. Bale isa pa pong tanong ko ay, tita ko ho kasi ang namamahala ng negosyo niya. Kapatid ho iyun ng tatay ko. Siya ho bale ang nagdedesisyon kung magkano at ano ang dapat na bnibigay sa amin sa mga pangangailangan namin. Sana ho matulungan nyo kami. Salamat po.