Hi,
Dapat ang Mayor ang nagkasal sa inyo. Kung ang secretary ang nagkasal sa inyo, walang bisa ang kasal ninyo. Pero kailangan ay ipadeklara muna sa korte na walang bisa ang inyong kasal. Kung mahahanap mo ba ang secretary na iyon ng mayor na nagkasal sa inyo at pumayag siya na magtestigo para sa inyo sa pagpapawalang bisa ng kasal ninyo at may sapat kayong ebidensya kung nasaan ang mayor sa araw ng kasal ninyo, hindi kayo mahihirapan sa pagpapawalang bisa ng kasal.
Kahit na walang bisa ang kasal ninyo, hindi kayo dapat na magpakasal agad. Kailangan muna ipadeklarang walang bisa ang inyong kasal bago kayo magpakasal na muli.
If you need legal assistance, you may email me on km@kgmlegal.ph
Regards,
Atty. Katrina