Last week lang, isa sa mga official sa kampo ay sinabihan ang mother ko na baka daw po hindi makatanggap kami ng pension dahil nga daw lasing ng mamatay. Tanong ko lang po kung valid reason na ba un para hindi sya bigyan ng pension? Eh nagsilbi rin naman sya sa gobyerno kahit 4 years lang. At isa pa, wala namang alcohol sa medical report nung namatay. Sila lang talaga ang nagsabi na lasing. May isa pa pong bumabagabag sa aking isip. Dahil ung official po na nagsabi sa mama ko ay minsan na rin syang sinabihan na wag pumunta sa hospital. Siya na ang kukuha ng report.
Please enlighten me. Kasi almost a year na po kami andito sa manila pero hindi pa rin nila maayos ang papers. GAling pa po kaming probinsya. Tuwing haharap sa amin ung official na un laging problema ang sinasabi nya. I dont know pero i can smell something is not right sa inaasal nya. Maraming salamat po.