hello, tanong ko lang po. nagpost po kase ko sa social media nang comment regarding sa kalsada. here: "Hindi ko lang talaga magets yung point kung bakit patataasan pa yung kalsada dito, e hindi naman bahain dito. Minsan mapapaisip ka nalang talaga e #pulpolitika" and some of my friends commented about it like "#KurakotPows" and whatsoever. Pagkatapos nabasa po nung asawa nang kapitan dito sa baranggay namin na ikinagalit niya sakin. Humingi ako nang paumanhin at sinabing kumento lamang po namin ito. May karapatan ho ba siyang ipabaranggay ako dahil sa ginawa ko na yun? Salamat! siya nga po pala, wala ho ako binabanggit na pangalan sa post ko na iyon. and hindi ko nais na siya ay patamaan dahil ito ay kumento lamang bilang isang mamayanan. Salamat muli!
Free Legal Advice Philippines