Ang akin pong katanungan meron po ba siyang kapangyarihan na makuhang muli ang mga bagay na ibinigay na niya sa akin as a "GIFT" since ibinigay naman po niya iyon sa akin na kusang loob at walang usapin na "UTANG"
Plano ko po na pag nag harap kami sa brgy sa susunod na lingo eh sasabihin ko na babayaran ko lahat ng inutang ko sa kanya, pero hindi ko babayaran ang mga pera na kusa niyang ibinigay. Minsan po kasi ang ginagawa nia ay ipinadadala nia yung pera thru money transfer, yung pera po ipinadadala nia eh kusang loob na pag tulong sa akin dahil may relasyon naman po kami. Ang plano ko kasi bayaran lang ang utang lang at hindi ko ibabalik ang mga ibinigay nia sa akin na kusang loob.
May mga resibo po kasi siya ng money transfer, plano ko rin hingan siya ng ebidensya na ang perang ipinapataw nia sakin pabayaran eh hindi ko gustong bayaran lahat kasi hindi naman lahat ng iyon eh UTANG.
• Mayroon po ba akong kapangyarihan na hindi ibalik sa kanya ang mga bagay na ibinigay nia as a gift po sa akin dahil lahat naman po ng materyal na bagay na ibinigay nia ay hindi ko INUTANG kusang loob nia ibinigay as a regalo sa akin.
• Mayroon din po ba ako kapangyarihan na hindi bayaran ang mga perang ibinigay nia sa akin bilang tulong pinansyal, at ang akin lamang pong babayaran ay iyong mga pera na mapapatunayan niya na aking inutang?
Maraming salamat po